|
Post by petmama on Oct 15, 2005 0:20:58 GMT 8
Ah talaga Jen? Di si Dine sasama sa London? Ba't naman? Sayang no?
|
|
|
Post by jenny on Oct 24, 2005 10:46:13 GMT 8
may mga nanghinayang nang di sumama si dine sa london...
bakit ba sya di sumama?
nagsawa yata ang lola sa kakatravel ah!
|
|
|
Post by C Claudinian on Oct 25, 2005 7:51:39 GMT 8
Oo nga ang daming nagtanong.
|
|
|
Post by admin on Oct 25, 2005 9:50:14 GMT 8
hindi sya sumama sa london kasi .. walang maiiwan kay sabina. tatapat ang sunday dito ang premiere sa london, claudine doesnt miss church services.
|
|
|
Post by jenny on Oct 25, 2005 10:25:37 GMT 8
hindi sya sumama sa london kasi .. walang maiiwan kay sabina. tatapat ang sunday dito ang premiere sa london, claudine doesnt miss church services. really?bait nya talaga...
|
|
|
Post by C Claudinian on Oct 26, 2005 10:28:13 GMT 8
Thanks Jenn. I figured dahil nga kay Baby Sabina kaya di cya nakasama. 'Yan ang dapat iniidolo di lang magaling na aktres, mapagmahal tlg sa pamilya at syempre sa itaas. Another thing I admire about Dine alam nya ang priorities nya in life kaya nakakainspired tlg cya.
|
|
|
Post by petmama on Oct 27, 2005 1:46:03 GMT 8
Here's a very nice article about the movie. Sadly, isang mention lang si Claudine. That's the only thing I don't like about the movie is that para talagang "guest" starring role lang si Dine. Feeling ko tuloy ginawa lang siyang kabilang sa mga scenic background ng movie. Feeling ko rin na sinama lang siya sa movie kasi proven na siya as a global actress. Kasi siempre kong mag-international premiere without her eh it won't be as successful. I bet the London premiere is not as successful as in Dubai with Dine.--------------------------------------------------------------------------------- Kahit third week na ng Dubai nang manood kami ng kaibigang Anna Pingol ay marami pa ring tao sa sinehan kaya totoo ang claim ng Star Cinema na certified blockbuster ang pelikula.
Nang pumasok kami sa sinehan ay alam na naming pangangalngalin na naman kami ng bagong tearjerker ni Direk Rory Quintos gaya ng ginawa niya sa amin sa Anak (2000) ni Ate Vi.
Pinipilit naming huwag maiyak at sinasabi namin sa sarili naming mina-manipulate lang ng pelikula ang aming emosyon para magngangawa kami at humagulgol pero bato ka kung hindi ka madadala sa madamdaming eksena nina Aga Muhlach at John Lloyd Cruz.
Kung may local version tayo ng MTV Movie Awards ay ino-nominate namin sina Aga at John Lloyd sa kategoryang ‘Best Onscreen Chemistry’ dahil napakaganda ng kanilang chemistry together at bagay na bagay silang gumanap na magkapatid.
Bukod sa parehong guwapo ay kapwa sila magaling na aktor kaya kaaya-ayang panoorin ang pelikula.
Kahit sobrang melodrama ay nakaaantig ‘yung eksena sa ospital matapos maaksidente si Kasmot (John Lloyd) na nagyakapan sila at nag-iyakang magkapatid sa hospital bed ni Kasmot.
Nagawa naming kontrolin ang luha namin sa madadramang eksena ni Aga pero hindi na namin ito nagawang pigilan pa sa makabagbag-damdamin (pero napakanatural at hindi pilit) na ‘sorry video’ ni John Lloyd para sa kanyang kuya.
In fairness ay ang ganda ni Claudine Barretto sa pelikula. Si Aga, kahit medyo nahahalata na ang edad sa screen ay napakaguwapo pa rin. At kahit minsan ay parang nakita mo na ‘yung ganu’ng klaseng acting sa kanya ay madadala ka pa rin sa performance niya.
Very deserving si John Lloyd na bigyan ng ganitong proyekto ng Star Cinema dahil walang dudang isa siya sa pinakamahusay na batang aktor ng kanyang henerasyon.
‘Yung huling eksena ng magkuya sa may dagat ang binalikan nina Aga at John Lloyd sa Dubai para maging ending ng pelikula (balitang gumastos ng P1M ang Star Cinema para lang sa eksenang ‘yon).
Hindi ito pwedeng dayain dahil mula sa dalampasigan ng Jumeirah beach kung saan tumakbo ang magkapatid ay natatanaw ang Burj Al-Arab (ang nag-iisang 7-star hotel sa mundo na matatagpuan sa Dubai).
Gaya ng nauna ritong Milan (2004) ni Direk Olivia Lamasan, klik ang mga ganitong pelikula dahil bukod sa relate na relate dito ang mga kababayan nating OFWs ay type ng audience na makapanood ng pelikulang kinunan sa ibang bansa.
Hit ang mga ganitong proyekto ng Star Cinema kaya tiyak na marami pa itong kasunod. Hindi na namin sasabihin kung alin ang mas nagustuhan namin sa Milan at Dubai dahil baka may mag-react pa! publisher@abante-tonite.com
|
|
|
Post by admin on Oct 27, 2005 2:40:37 GMT 8
clarification : si JLC lang po ang pupunta sa London Premiere ng Dubai
|
|
|
Post by petmama on Oct 27, 2005 3:47:29 GMT 8
Jen, I read somewhere before the Dubai premiere that John & Aga had a separate show sa London together? Not Dubai related daw. It was some sort of a concert.
|
|
audri
New Claudine Fan
Posts: 12
|
Post by audri on Oct 30, 2005 13:10:20 GMT 8
just want to share with you this info: we watched the Dubai premiere screening here at Vancouver today at noon. there were 3 screenings: noon, 4pm, and 8pm. john llyod cruz was here and we were able to meet him in person. ang guwapo niya. the movie was great. claudine played a very important role and as always, she did it beautifully. i wished she were here too, but then there will always be next time.
|
|
|
Post by admin on Oct 30, 2005 23:34:00 GMT 8
hi audri, thanks for the sharing .. im glad you enjoyed the film petmama, i have no idea about their shows eh.
|
|
|
Post by petmama on Nov 1, 2005 1:19:16 GMT 8
Hey welcome audri. Thanks for supporting Dine.
That's ok Jen. I'm sure we'll find out soon enough.
|
|
julie
New Claudine Fan
Posts: 84
|
Post by julie on Nov 4, 2005 16:33:53 GMT 8
pipz extended pa isang linggo d2 sa lugar namin (daet, camarines norte) ung dubai.... yahoo.
|
|
|
Post by petmama on Nov 5, 2005 6:07:02 GMT 8
Lucky you. Ako mga 3-4 months pa bago mapanood and dvd.
|
|
|
Post by C Claudinian on Nov 5, 2005 10:04:07 GMT 8
Labas na yata cya on DVD, petmama.
|
|