|
Post by che on Feb 3, 2006 3:57:50 GMT 8
ang balita q march 27 na at sa tagaytay ang reception.
|
|
|
Post by jenny on Feb 3, 2006 9:18:26 GMT 8
i watched unang hirit and they featured tagaytay highlands...grabe pala ang ganda talaga dun at buti na lang nga inurong nila sa march wedding nila kasi sobrang lamig daw 16 degrees at puro fog ang makikita...
|
|
|
Post by beatme on Feb 3, 2006 17:26:41 GMT 8
cant wait for the wedding day....pero honestly,hindi pa ko ready na makitang misis na si Dine....
|
|
|
Post by jenny on Feb 9, 2006 9:50:11 GMT 8
hay naku ate maging ready ka na...hehehe
at dapat todo support pa rin tau sa kanya kasi di naman daw sya mawawala eh pahinga lang ng 1 month yata...
|
|
|
Post by jenny on Feb 9, 2006 9:51:28 GMT 8
sana matuloy plans nila for their fans...
|
|
|
Post by grace on Feb 20, 2006 11:04:48 GMT 8
congratz diney!!!!!!!!!!!!! avid fan mo 'ko..... at number 1 pa rin talaga sakin ang rico-claudine!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ;D
|
|
|
Post by sarah on Feb 20, 2006 17:10:59 GMT 8
I am a big fan of claud and rico, pero since wala na si rico,at patahimikin na natin si rico kasi marami hanggang ngayon hindi matanggap lalo na mag-aasawa na si claud. yung mga tao kung mag-salita kala mo pinakain nila sa mga palad nila si claud. natanggap ko na rin si raymart kasi nakita ko naman na talagang inaalagaan niya si claud, pati ang family niya mahal si claud. Wish ko lang ay patuloy si claud sa showbiz at di siya mag- quit cause she's a great actress.
|
|
|
Post by C Claudinian on Feb 21, 2006 4:48:36 GMT 8
Nakakasad naman wala masyadong tao & updates dito ngayon. Anyway, I just to ask sana sa mga TFC subscribers natin dito kc TFC ang bad tlg nila kc they are forcing my family to subscribe to Direct TV in order for us to continue getting TFC daw. Very unfair tlg nila & napaka unprofessional pa. Anyway, sabi ko nga sa family ko ok lang walang TFC kc sabi ko nga eversince IALSA ended tlg I rarely watch na rin. My Dad was the only one glimpsing on the news kaya nga lang biased & most of the time exag din ang ABS sa mga balita nila kaya ok lang din sa kanya na mawalan kami ng TFC. So, most likely I'll just get some updates from here or sa PEX. Syempre once sure na c Dine na may :Pkontrata sa ABS balik ako
|
|
|
Post by jenny on Mar 6, 2006 10:27:25 GMT 8
grabe lapit na wedding nila...
|
|
|
Post by amp on Mar 8, 2006 14:51:29 GMT 8
Nice sna mraming pa akng mread,kc im avid fan of clauds,and sna my mga pictures din akong masite,till tnx.
|
|
|
Post by jenny on Mar 10, 2006 8:58:23 GMT 8
TV PATROL 03/08/06
|
|
|
Post by jenny on Mar 10, 2006 9:01:12 GMT 8
Claudine-Raymart pre-wedding party simula na
Nag-umpisa na noong Martes ang pre-wedding celebration nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, iniulat nitong Miyerkoles. Napakaganda ni Claudine at napakisig ni Raymart sa salubong sa kanila ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan sa Teatrino, Greenhills. Ang nasabing okasyon ay bahagi ng pre-wedding special na "You Are The One: The Claudine-Raymart Love Story" na ipalalabas sa ABS-CBN Channel 2.
Ang kapatid ni Claudine na si Marjorie at asawa na si Dennis Padilla ang siyang host ng okasyon. Espesyal na sandali rin ito para sa mga magulang ni Claudine, gayundin sa ina ni Raymart na biyuda ng premyadong direktor na si Pablo. Sinariwa nila kung gaano kadesidido si Raymart na pakasalan si Claudine.
Nabunyag din na botong-boto talaga kay Claudine sa ina ni Raymart. Ayon sa mga kapamilya ng aktor, sa lahat ng naging nobya ni Raymart ay si Claudine lang ang pinansin ng ina niya. Una raw nagustuhan ng ina ni Raymart si Claudine noong gumanap ito sa telenobelang “Mula Sa Puso.” Punung-puno ng romansa ang gabi na nagtampok sa mga love songs nina Aiza Seguerra, Jimmy Bondoc, Pops Fernandez, Jed Madela, Christian Bautista at Rachel Ann Go. Hataw din sina Claudine at kanyang bridesmaids na sina Jenny Miller, Ciara Sotto at Candy Pangilinan pero nakaw eksena ang komedyanteng si Chokoleit.
|
|
|
Post by jenny on Mar 10, 2006 9:14:08 GMT 8
Claudine may babaguhin sa ugali
TATTLE Nel Alejandrino People's Tonight
RAYMART Santiago and Claudine Barretto grew up in the same environment -- showbiz. Surprisingly, however, neither of them took notice of each other until maging dalaga't binata sila.
At heto pa ang siste, nang, wika nga'y, napansin na ni Raymart si Claudine, it was at that time na na-involved sa isang controversy ang dalaga. Ito 'yung may kinalaman sa pagkamatay ni Rico Yan, her former boyfriend. Naging very supportive si Raymart kay Claudine at that time. To the point na tinutukso-tukso na silang dalawa.
One time, tinanong ng tahasan ni Claudine si Raymart kung nanliligaw ba ito sa kanya. Na malumanay na sinagot ni Raymart ng 'sana. Kung pupuwede!'
It took all of eight months, to be exact, bago binigyan ni Claudine si Raymart ng positive answer.
Both claim na pareho silang seloso. But only for a reason. And at this point in time, wala sila parehong makitang dahilan kung bakit dapat silang magselos sa isa't isa.
Pero, may isang 'di magandang ugali daw siya, ayon kay Claudine, na gusto niyang baguhin ngayong mag-aasawa na siya. Hindi siya 'yong tipong madaling magsabi ng I'm sorry. Mabuti na nga lang daw at maunawain si Raymart.
* * *
Which brings to mind, if we remember right, that all what Gretchen Barretto, Claudine's elder sister, wants from her, specifically, is to say I'm sorry, well, on tv. A public acceptance na kung anumang disgusto meron sila sa pamilya ngayon, si Claudine na ang magiging tulay para magkaunawaan silang lahat muli.
These two words, I bet you, is magic. It do wonders. It reminds us of a writer-friend na na-offend ng isang artistang akala pa naman niya ay close na close sa kanya.
But since the actor ay nagpalaot na sa ibang field, 'di na madalas mag-cross ang kanilang paths. And if they do find themselves in the same function, the writer purposely ignored the actor. Or, simply just avoided him.
Years went by and he held a position in government na talaga po namang kagulat-gulat. The writer never thought na pagkakaabalahan pa, much less, mari-remember pa ng dating actor, ang namagitang 'samaan ng loob' sa kanila. Kaya, was she surprised when at a party, he approached her sa table ng kanyang kinauupuan and in front ng maraming kaibigan, humingi siya ng sorry sa writer sa kung anumang offense na nagawa niya dito.
To date, this writer-friend of ours claims that the gesture of the actor touched not just her heart but of all those na ka-table niya. It was, we'd say, the ultimate in humility. And because of this, we, likewise, salute the actor.
|
|
|
Post by jenny on Mar 27, 2006 10:41:38 GMT 8
kasalan na!!!!!!!!!!!!!!!
waahhhhhhhhhhhhh grabe excited na ko!!!
we love you claudine and raymart!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
|
|
Charmaine Mae Ken Smith
Guest
|
Post by Charmaine Mae Ken Smith on Mar 27, 2006 13:43:05 GMT 8
Nice,picture real match couple . God Bless ! Love u Claudine&Raymart many may bless to come love you all! ;) 8-) :-X :'(
|
|