Post by hutenz on Jun 15, 2005 18:42:07 GMT 8
FROM SHOWBIZPINOY
Close friends pala sina Claudine Barretto at Diether Ocampo. Sa presscon lang ng Ikaw ang Lahat sa Akin namin ito nalaman. Ayon kay Claudine, alam ni Raymart Santiago ang deep friendship na namamagitan sa kanila ni Diet at nang minsang magkaroon sila ng conflict, si Raymart pa ang nag-utos sa kanyang kausapin si Diether at mag-sorry rito.
"Marami silang similarities ni Raymart na sa unang tingin ay suplado, pero mabait naman. Na-test ko na rin kung gaano niya ako kamahal as a friend nang operahan ako ng appendectomy. Nasa States siya that time at kararating lang niya, pero agad siyang umuwi para sa akin.
" Para kaming magkapatid niyan at kahit mag-asawa na ako 'di pa rin masisira ang friendship namin," sabi pa ni Claudine.
May mga binanggit pang nangyari sa kanyang buhay si Claudine na na-test ang loyalty ni Diether sa kanya. Pati sa kanyang family, close rin daw ito at isa ito sa nakakapag-labas-masok sa kanilang bahay. Hindi rin daw kumontra si Diether kay Raymart at ito pa ang nagsabing ang fiancé na ang right guy for her.
Pero, sa Ikaw ang Lahat sa Akin, na magsisimula na ang airing sa Lunes sa ABS-CBN, magkapareha sila at kasama si Angelika dela Cruz, sila ang bubuo sa pinakabagong love triangle sa telebisyon.
Samantala, kasama ang mga taga-Star Cinema, dadalo si Claudine sa Cannes Film Festival dahil ipalalabas sa Cinema of the World section ang Milan nila ni Piolo Pascual. First movie niya itong ipalalabas sa Cannes , kaya sobra ang excitement nito.
Sa kanyang pagbalik, ipo-promote ni Claudine ang movie nila nina Diether at Jericho Rosales, Nasaan Ka Man, at aayusin ang kasal nila ni Raymart. Tentative pa raw 'yung January 5, 2006 schedule, pero ito ang gusto niyang date.