Post by C Claudinian on Nov 24, 2005 8:31:02 GMT 8
Bulag ata c Greta ;D Basta ang alam ko di cya bulag sa pag-ibig kungi sa milyones ni Tony Bhoy:) No pero seriously, I wonder if Tony Bhoy doesn't have the wealth patulan kaya nya to. Well, tungkol naman sa iba pa nyang cnabi di na ko nagtatakang sabihin nya yon. One thing I've noticed about her puno cya ng insecurities actually I have tape of her years back sa isang VTR interview of her tungkol kay Dine tinanong cya how does she feel daw kc nga medyo nakikilala na c Dine sabi nya & I quote ha, " Insecure...Payat cya at Sikat pa". So ewan ko lang kung cno tlg ang better person.
Btw, like ur user name, prettybabe. It reminds me of how Dine is called by her nieces & of course by Papa Raymart.
Well, kong may chance na magkaayos ang magkapatid soon ay hindi na uli matuloy kong mabasa ni Gretchen ang sinabi ni Dennis.
"Malabo pang magkaroon ng reconciliation ang Barretto Sisters na sina Claudine, Marjorie at Gretchen. Hindi pwedeng maging tulay ang Pasko para magkasama-sama ang magkakapatid.
Ibinase namin ang posibilidad na ito sa reaksyon ni Dennis Padilla na asawa ni Marjorie sa huling tsikahan namin sa aktor.
Nang mag-guest kami sa Pinoy Big Brother Big Debate kamakailan kung saan kasama namin sa episode na ito si Dennis, bago simulan ang show ay tinanong namin ang comedian-politician kung totoo bang nagkakausap na sina Claudine at Gretchen.
Isang mabilis na "hindi" ang isinasagot sa amin ni Dennis.
Eh sina Marjorie at Gretchen, nagkausap na ba?
Isang matinding "hindi" uli ang isinagot ni Dennis sa amin kasunod ang pagkunot ng noo.
Gusto pa ba nilang makipag-usap kay Gretchen?
"Bakit?" sambit ni Dennis. "Hindi na siguro."
Inulit muli namin ang tanong kay Dennis, at umiling lang siya.
May mga tanong pa sana kami kay Dennis tungkol dito pero ilang sandali na lang ay magsisimula na ang programa."
TO whom would Gretchen Barretto say the title of her comeback film, “Matakot Ka sa Karma”? “Alam n’yo na kung sino, so guess na lang kayo,” she laughs.
To Imelda Cojuangco, the mom of her live-in partner, Tonyboy? “No. Okay na kami. I write notes to her and she writes back. Wala pa kami sa stage na nag-uusap, but I can honestly say from the bottom of my heart that I don’t hate her, unlike noon na when I hear her name, naha-highblood ako.”
To Claudine then? “Hindi pa kami nagkikita at hindi pa rin kami nagkakausap, pati si Marjorie at parents ko. Tahimik na ang buhay namin sa ganito. Hindi rin ako comfortable sa ganitong sitwasyon, but this is what’s working for us, so huwag na lang pilitin. I guess the right time will come para magkausap kami uli, pero marami pang emotions na dapat ayusin muna.” What’s her last film ? “‘Ikaw Lamang’ with Raymart Santiago 12 years ago. That time, hindi ko pa alam na magi-ging brother-in-law ko siya. May kissing scene pa nga kami at nauna pa ko sa kanya,” she laughs. Her project now is to come out with a book about her life. “It’s going to be a tell-all book. I won’t hide anything.”
Why did she make a comeback in “Matakot Ka sa Karma”? “When I lived with Tony, I lost my sense of self kasi lahat binibigay na lang niya. E, nasanay ako working since I was 12 when I started to model. Parang I lost my sense of self-worth. I admit I’ll never earn the kind of money that Tony gives me, pero ayoko noong umaasa na lang. I love showbiz as this gives me a sense of self.
“Dito ko masaya and comfortable. Noong first shooting day ko nga, I was asking myself, kaya ko pa ba ito? I memorized all my lines but when Direk Joey Reyes said take, nalimutan ko lahat and someone has to feed me my lines. But after a few sequences, kayang-kaya ko na ito at smooth sailing na uli because I really love what I do.”
“Matakot Ka sa Karma” is a trilogy and she appears in the “Kama” episode about a haunted antique bed. “I’m a mom here whose husband works abroad. I buy this bed from Liza Lorena and then strange things start happening in our home. It turns out, a woman, Tanya Garcia, died while delivering her baby on that bed, and now, she wants to get my son, Paul Salas. So siempre, I have to fight for my son.
“Panoorin n’yo ang acting ko rito. I think I’ve improved naman. At least, this is something different from the ST films I did before. I’m proud of my work here.”
Yep, I've read similar articles also. Susmaryosep. I thought I could ignore her pero it's really hard. Kailangan pa bang mag-comment siya na "sana sincere si Claudine sa pakibati kay Ms Maglipon"? Sounds to me like she didn't believe Dine's sincerity. >:(Naku it sounds talagang Greta is still harbouring bad feelings towards Dine. Her jealousy over Dine's success is evident. Kahit gaano niyang baliktarin ang mga salita niya, you can feel the jealousy there. And to think na hindi pa rin niya kinakausap ang parents niya? What kind of a daughter is that? Kahit anong mangyari dapat ang anak ang magpakumbaba. Baka hinihintay niyang mag-apologize ang parents niya sa kaniya.
Tapos pinagmamalaki niyang nauna siyang naka-kiss kay Raymart. :-[Mahiya naman siya. Ay, 'nga pala, hindi pala marunong mahiya iyan....tsk tsk tsk. Tapos iyong comment pa niyang buti na lang daw kamukha ng anak niya si Tony Boy kundi baka daw pagbintangan pang hindi siya ang ama. What? Where did that come from? May nagtanong ba? She's craving for attention, that's all I can say..
All I can say is...Gretchen should be shame of herself, after all Claudine is far more descent than her. Who between them can shout to the world that she is the legal wife?
She should be afraid of what she did with her parents, not talking to them, the title of her movie might apply to her, she must not forget that she has a daughter herself.
Post by C Claudinian on Nov 12, 2006 10:16:38 GMT 8
petmama said:
I'm afraid Gretchen's money went to her head.
Now, the question petmama is it really her money? One can only wonder if she would feel the same way & stay with Tony Boy if he is no longer that "wealthy". Hmmm....
La Greta nag-break down sa interbyu By: Ambet Nabus
KAKAIBA talaga ang pagiging karakter ni Gretchen Barretto.
Nag-umpisa lang ang aming huntahan sa radyo (DZMM Showbiz Mismo) via phonepatch nang kumpirmahin nito kay Nay Cristy Fermin ang isang blind item na naisulat ng huli na siya ang tinutukoy. Tungkol ‘yun sa napauna na nating naisulat hinggil sa pag-iinarte raw ni Greta sa isang commercial shoot na kasama niya sina Ruffa Gutierrez at Dawn Zulueta.
Nag-umpisang masaya at kuwela ang naturang radio phone patch interview namin kay Gretchen nina Nay Cristy, kapatid na Jobert Sucaldito at kasamang Rommel Galapon. Tumagal ‘yun ng mahigit kalahating oras at nauwi nga sa pag-break-down ni Greta nang isa-isa nang lumabas ang mga isyu.
Nakaloloka, dear readers, pero sana ay may sapat akong galing para bigyan ng tamang emosyon ang aking pagbabahagi ayon sa aking personal na pakikisali sa naturang interview. Maraming naantig na emosyon sa mga taong nakasubaybay sa amin noong Biyernes sa DZMM. Pero higit ang dami ng mga lumuha at nagbahagi ng kanilang mga saloobin na parang noon lang nila nakilala ang isang Gretchen Barretto.
Isa-isang sinagot at nilinaw ni Greta ang ibinato naming items. Una, totoong may security men (7 lahat) siyang kasama sa naturang commercial shoot na ever since magkaroon siya ng kaugnayan kay Tonyboy Cojuangco ay naging normal na tanawin na lang sa pang-araw-araw na buhay niya.
Inamin ng aktres na for quite sometime ay feeling ‘reyna’ siya sa pagkakaroon ng mga ito considering daw na dati lang siyang ‘bomba star.’ Natatawa pa nitong ikinuwento ang mga insidente kung kailan niya nai-enjoy o hindi ang pagkakaroon ng mga umaalay na security sa kanya.
“Siguro, mga two to three years, aliw pa ako. Iba ang feeling kasi kahit saan ka magpunta, nakabuntot sila. Pero, dumating ‘yun sa puntong parang naiinis na ako.
“Kapag nasa mall ako at may gusto akong bilhin gaya ng panty o bra, nandiyan sila kaya alam na nila ang size na gamit mo, ha ha ha! Minsan naman, kapag may gusto akong kainin o puntahan, hindi ko agad magawa dahil kasi kailangan munang ipaalam kay Tonyboy,” ang bahagi pa ng kuwento ni Greta tungkol sa pagkakaroon niya ng security men.
* * *
NILINAW din ni Gretchen ang tungkol sa pagbibitbit niya ng maraming maleta ng damit (puro mamahalin at siyempre ang mga maleta, imported din) gayung ilang shoots lang ang gagawin nila.
Balita kasing ikinairita ‘yun ng ilang tao.
Depensa ng aktres: “Sinabi ng ahensya na magdala kami ng mga puting damit para sa shoot. Nagkataon lang na marami akong puting damit na puwedeng pagpilian.”
Pati ang pagbitbit niya ng sariling make-up artist ay ginawa ring isyu gayung isang normal na tanawin lang ‘yun sa mga kaugnay na insidente o pagkakataon.
Pero, nagsimulang maging emosyonal si Greta nang klaruhin nito ang isyu ng ‘cold war’ nila ni Dawn Zulueta.
“Magkaibigan kami ni Dawn. Nag-uusap naman kami. Pero, hindi ko maintindihan kung bakit naglabasan ang mga isyu na ito. Alam kong malaki ang aking kasalanan dahil sa sobra kong pagiging madaldal. Pero, never akong makikipag-away,” pakli ni Greta.
Nakarating pa sa aktres na pinaringgan siya diumano ni Dawn ng, “at least asawa siyang legal,” na may implikasyon siyempre sa tunay na status ni Gretchen bilang partner ng kanyang mister ngayon.
“Hindi ko ito ginusto. Hindi ko hinangad na dumating sa ganito ang sitwasyon ng buhay ko. Umibig ako at patuloy na nagmamahal sa isang tao na alam naman ng lahat ang pinanggalingang sitwasyon,” paliwanag ng aktres.
Hindi na raw niya iniinda ang mga paratang o tawag sa kanya ng mga tao. Hindi na rin daw niya inaasahan na matatanggap pa siya ng mga taong nabibilang sa uri ng mga nagsasabing artista lang siya.
“Kaya nga pilit kong ipinagsisiksikan ang sarili ko sa showbiz. Ito ang mundo ko. Dito, tanggap ng marami kung ano ako. Kung nagkakataong naiintriga ako dahil sa kadaldalan ko, nauunawaan ng marami na bahagi lang ‘yun ng showbiz.
“Hindi ko na hinahangad na tanggapin pa ako ng mayayaman na nagsasabing artista lang ako. For as long as masaya ako at umuuwi sa isang bahay na alam kong may mga taong nagmamahal sa akin, wala na akong pakialam sa mga sinasabi ng iba,” ang bahagi pa ng madamdaming paglalahad ni Gret-chen.
* * *
SA gitna ng aming maemosyong talakayan, naitanong ng aming magaling na bangkero na si Nay Cristy ang isang text message galing sa isang listener sa Libya kung maligaya ba ang isang Gretchen na nahihiga sa salapi?
Natensyon ako sa tanong habang naririnig ko pa ang mga impit ni Greta sa kabilang linya, pero sinagot pa rin ng aktres na ‘hindi niya sinusukat ang kanyang kaligayahan sa dami ng salapi o ano mang mayroon siya.’
“Puwede kang maging mahirap na hindi ka maligaya. Puwede kang maging mayaman na hindi ka rin maligaya. I simply count my blessings sa kung sino ang mga taong nagbibigay sa akin ng kaligayahan. At dun very proud ako,” dagdag pa nito.
Marami pang ibinahagi ang aktres na tunay namang mga bagong rebelasyon sa kanya. Pero, hindi na namin ‘yun ididetalye pa dahil for sure ay may mga kasama rin tayo sa hanapbuhay na nakapakinig noong Biyernes ng hapon.
Pero, ang pinakatumatak sa aming lahat at tunay namang nagpaluha na sa amin ay nung mag-break down na si Gretchen nang ‘sundutin’ na ni Nay Cristy ang isyu tungkol sa kanilang pamilya.
May ilang okasyon na sa naturang interview na nababanggit namin ay halos pagtulungan namin nina Jobert si Greta hinggil sa isyu niya sa mga kapatid, lalo pa nga’t gusto naming marinig ang reaksyon niya sa pagbubuntis ni Claudine.
Subalit, nagagawa ni Greta na libangin at aliwin kami sa kanyang mga ‘karakter’ na anekdota sa buhay.Not until Nay Cristy reminded her of that moment when she was just starting sa showbiz.
Kuwento sa 14 Going Steady (launching movie noon nila nina Janice de Belen at Nadia Montenegro) nag-umpisa at sa kantang Little Star. Ni-remind ni Nay Cristy ang kuwentong ‘yun kung saan ‘feeling walang kakampi’ si Greta kundi ang kapatid na si Marjorie na kasama niya sa studio ng GMA Supershow ng mga oras na ‘yun.
Simpleng kuwento ng intrigahan kina Greta at Janice at Nadia, pero nagmistulang mitsa ‘yun para humagulgol si Gretchen at ianunsyo sa buong mundo na for the first time after so long na nag-aaway-away silang magkaka-patid (Marjorie, Claudine at pati na parents niya) ay sabihin nitong, “ngayon ko lang na-miss, pagkatapos nang matagal na panahon, sina Marjorie at Claudine.”
Grabe na ang iyak noon ni Greta. Palit-ulit na lang ako sa pagtanong kung okey pa siya. Maliban kay Nay Cristy, wala nang makapagsalita sa amin nina Jobert na that time ay umiiyak na rin nang grabe. Nagtutunugan na ang aming cellphones, at mas lalong nagdagsaan ang text messages, personal man na dumaan sa amin o dun sa istasyon. Hindi ko na namalayan kung paanong naitawid ni Nay Cristy ang pagtatapos ng interview. Basta emosyonal na kaming lahat sa sitwasyon. Then later ay kinumpirma pa ni Nay Cristy na for the first time ay binanggit ni Gretchen ang names nina Claudine at Marjorie.
“Dati kasi puro third person -- nila, siya, nina -- ang patungkol niya sa mga kapatid at pamilya,” pagkaklaro pa ni Nay cristy.
Hay, kagaya na nga lang po ng ipinagdarasal ng lahat, sana ay mas maging meaningful ang Kapaskuhan sa pamilya Barretto.