|
Post by admin on Mar 5, 2004 15:11:45 GMT 8
guys, let us support this one for details, you can either ask me or contact abs-cbn directly for those who would be purchasing tickets, you can get it at ticketnet outlets or let me know if you're interested coz we can get it directly at star records and we're helping them in selling these prices at ticketnet are as follows : 1240, 1033, 775, 517, 310 and sa star records : 1200, 1000, 700, 500, 300. if you would be placing orders with us, you can reserve it now and pay it later (on or before march 15 2004). for the 2000 and 1500 tickets, you can only get those at bantay bata hope to hear from everyone! take care!
|
|
gracielle
New Claudine Fan
**charing**
Posts: 60
|
Post by gracielle on Mar 6, 2004 7:59:35 GMT 8
Ay ATE JENN Thanks ulet! Mga taga PINAS nood po kayo at proxy kayo saaming mga taga US!THanks po! Salamat sa inyong laaht sa supporta kay PAPA PIOLO!
|
|
|
Post by jenny on Mar 18, 2004 17:11:23 GMT 8
request naman natin na sana may special participation si clauds!!!!!!!!!!
|
|
|
Post by admin on Apr 24, 2004 11:20:36 GMT 8
mamaya na! ;D
|
|
len
Regular Claudine Fan
wala lang...
Posts: 199
|
Post by len on Apr 26, 2004 9:41:13 GMT 8
ANG SAYA-SAYA! GRABE!! sulit na sulit talaga!!oi, kapatid kala ko ba u make kwento here?di mo pa ba natatapos ung mga pics?(hahaha demanding ba? ) c pearly bising-bisi kasi sa kalalakwatsa eh pero wag ka mga pag-ibig bugbog sarado sakin yon kasi xa ang katabi ko eh...lalo na nong si aiai ang nasa stage! siguro sumakit katawan ni ate sa akin lol kahit may sakit eh bumangon talaga me para lng manood ng concert ni papa...effective kasi nawala ang labnat ko hehehe nakapag-asap pa the next day
|
|
|
Post by admin on Apr 26, 2004 11:58:26 GMT 8
ANG SAYA-SAYA! GRABE!! sulit na sulit talaga!!oi, kapatid kala ko ba u make kwento here?di mo pa ba natatapos ung mga pics?(hahaha demanding ba? ) c pearly bising-bisi kasi sa kalalakwatsa eh pero wag ka mga pag-ibig bugbog sarado sakin yon kasi xa ang katabi ko eh...lalo na nong si aiai ang nasa stage! siguro sumakit katawan ni ate sa akin lol kahit may sakit eh bumangon talaga me para lng manood ng concert ni papa...effective kasi nawala ang labnat ko hehehe nakapag-asap pa the next day haha ;D sinabi mo pa ate len! grabe talaga super sulit .. haha mejo tinatamad kasi akong magkwento eh .. basta promise, super sweet si claudine and piolo nung concert .. parang girlfriend ni piolo si claudine haha ;D sabi nga, pag pinalabas sa tv yung concert ni piolo ang daming kuha ni claudine kasi daming beses na kinunan siya .. magkatabi din sila ng mama ni pj!! haha ate len, madam P talaga!! ;D
|
|
len
Regular Claudine Fan
wala lang...
Posts: 199
|
Post by len on Apr 26, 2004 14:03:41 GMT 8
hahaha cnabi mo pa hyper talaga c madam P!!swerte pa rin talaga tayo kasi ang ganda ng pwesto natin...kitang-kita lahat ng mga pinaggagawa ni madam P.
|
|
|
Post by admin on Apr 26, 2004 17:50:53 GMT 8
hay naku ate len .. oo super kitang kita lahat haha .. walang itatago si madam P sa tin! ;D
|
|
len
Regular Claudine Fan
wala lang...
Posts: 199
|
Post by len on Apr 27, 2004 9:27:30 GMT 8
eww, i hav sumting to post sana kaso nakalimutan ko yong paper...sana bukas diko makalimutan...
|
|
|
Post by admin on Apr 27, 2004 11:17:22 GMT 8
eww, i hav sumting to post sana kaso nakalimutan ko yong paper...sana bukas diko makalimutan... hmm .. mangexcite ba hehe
|
|
|
Post by lily on Apr 27, 2004 11:39:03 GMT 8
hello mga berks i'm back! grabeh, kakainggit naman kwento nyo hehe. super enjoy talaga tayo sa concert 'no kahit bugbog sarado ako kay len hahaha. kala mo wala sakit, joke lang po. sayang di ako nakasama sa ASAP! super busy kasi e.
|
|
len
Regular Claudine Fan
wala lang...
Posts: 199
|
Post by len on Apr 28, 2004 12:54:21 GMT 8
hehehehe eh don nga nawala sakit ko eh hehehehe buti na lang hindi namayat c ate lily sa bugbog ko kasi naman bisibisihan
|
|
len
Regular Claudine Fan
wala lang...
Posts: 199
|
Post by len on Apr 28, 2004 13:04:02 GMT 8
Riot ang panlalaswa ni Ai Ai kay Piolo Abante Tonite Allan Diones
Isa nang ganap na concert artist si Piolo Pascual dahil successful ang kanyang My Gift: Piolo Pascual First Time in Concert nu’ng Sabado sa Araneta Coliseum. ‘Yung bleacher section lang ang medyo konti ang tao pero ang iba pang section ng Big Dome ay napuno.
Piolo was in his element at hindi siya nawalan ng boses hanggang matapos ang show. Napatunayan niyang may karapatan siyang mag-solo concert sa Araneta. 8:45 PM nagsimula ang show with Piolo singing a reprise of The Gift ni Jim Brickman. Biglang naging rock nang mag-segue siya sa Mangarap Ka ni Wency Cornejo. Feeling rocker si Piolo na naka-black leather jacket, black shirt and jeans.
Lumabas ang Hotlegs and he sang an upbeat English song. Ang favorite song ni Piolo na Superman (ng Five For Fighting) ang sunod niyang inawit. Parang nawalan ng impact ang kanta dahil binago ang areglo.
Ang guests niyang sina Michelle Ayalde, Akafellas at Old School ang next na nag-perform. Paglabas ni Piolo ay sing siya ng Harana (ng Parokya ni Edgar) with the Akafellas and Old School. National anthem ng mga senti ang next song niya, Because of You ni Keith Martin. Iniba rin ang areglo, binagalan para mas ballad ang dating, nawala tuloy ang R&B flavor ng kanta. Segue sa medley ng Till There Was You at isa pang English song. Sumunod ay nagpaka-rocker na naman si Piolo, sing siya ng Wherever You May Go ng The Calling na paboritong kantahin ng fellow Hunks niyang sina Bernard Palanca at Jericho Rosales. Pagkatapos no’n ay nagpaseryoso siya, talking about his renewed faith as a Christian.
Bilang pasasalamat kay Lord ay inawit niya ang refrain ng You Raise Me Up ni Josh Groban, sabay pasok ng idolo niyang si Basil Valdez singing Lead Me Lord. Nag-duet sila, alternately singing the two inspirational songs. In fairness ay kinilabutan kami sa magandang duet nila. Ang pinasikat niyang You ang inawit ni Basil sa kanyang solo spot number. Wala pa ring kupas ang ganda ng boses ni Basil.
Sa muling pag-entra ni Piolo ay kinanta niya ang Broken Vow, na ewan kung bakit binago rin ang areglo at hindi na lang nag-stick sa version ni Josh Groban. After that ay isa-isang lumabas ang Hunks. Pambungad si Diether Ocampo na bumanat ng rock version ng We Didn’t Start the Fire; sumunod si Carlos Agassi na napasayaw kami sa Where Is The Love ng Black Eyed Peas; next si Bernard na bumanat ng Unwell ni Jason Mraz; at panghuli si Echo na feel na feel ang pag-awit ng Crazy Little Thing Called Love.
Sama-sama ang buong Hunks sa medley ng Rock Baby Rock at iba pang OPM disco hits. Isa-isa silang naghubad ng pang-itaas hanggang si Piolo na lang ang natirang may damit. Napilitan ding maghubad si Piolo kahit ayaw niya.
Takbuhan ang mga babae sa bandang harapan para kunan ng picture ang topless Hunks! Natatawang sey ni Piolo pag-alis ng apat, "Napasubo ako du’n, ah? Kasasabi ko lang na Kristiyano ako, tapos, bigla akong naghubad? Pasensya na po, that’s all in the spirit of fun."
Naiibang version ng Kahit Isang Saglit ang sunod niyang inawit. Ang musical director ng show na si Louie Ocampo ang nag-areglo no’n, pati na ang iba pang naunang kinanta ni Piolo.
Medley of his own hit songs (Sana Ikaw, Kung Ako Ba Siya, atbp.) ang kanyang next number.
Napakaguwapo ni Piolo at nagmumura ang kaseksihan niya lalo na sa kanyang fit na black shirt at pants.
Nag-pay off ang regular niyang pagwo-workout sa gym dahil bukod sa mas gumanda ng katawan niya ngayon ay hindi siya hinihingal kahit magkakasunod ang song and dance numbers niya.
Nakatulong din ang pagbo-voice lessons niya at madalas na pagkanta nang live sa ASAP Mania dahil hindi man ganu’n kabongga ang boses ni Piolo ay abot niya ang matataas na nota at powerful ito na dinig na dinig sa buong Big Dome mereseng malaki ang venue.
As usual ay pinaka-riot ang portion ni Ai Ai de las Alas. Pilit niyang nilalaswa at hinihipuan si Piolo at panay ang sabi ng, "Huwag mo akong irespeto, Papa Piolo, babuyin mo ako hangga’t kaya mo!"
Natawa kami sa sundot ni Ai Ai na, "Ang sarap-sarap talaga ni Piolo… naging babae ako. Joke!!!"
Tiyak na-get ng mga tunggril ang joke na ‘yon.
Cute ‘yung sagutan nila ng kanta ni Piolo. Nu’ng una ay wholesome pa, pinipilit ni Ai Ai na pwede rin siyang maging leading lady ni Piolo gaya nina Juday at Claudine (‘yung Manila ng Hotdogs ay ginawa niyang Marina), at pwede rin daw siyang maging Dragon Queen na katambal ni Dragon King sa Mangarap Ka.
Sing ng F4 si Piolo, sinagot ni Ai Ai ng Butchiki. Ang pinakakuwela ay ang mahalay na version ni Ai Ai ng Bulaklak ng Viva Hot Babes.
Hagalpakan ang tao sa linyang "Ang antot-antot, di naghuhugas ng bulaklak" at "Ang kati-kati, ang hapdi-hapdi, may surot ang bulaklak."
Hirit pa niya kay Piolo habang naka-two-piece lang siya na bulaklakin, "Come on, papa, eat my flower! O sige, mamili ka, touch my flower o eat my flower?!"
Pati si Ma’am Charo Santos ay ibinuking ni Ai Ai na may crush daw kay Piolo.
Mas malaswa ‘yung titulo ng bold movies na pangarap daw gawin ni Ai Ai katambal si Piolo: Haplusin Mo Ang Aking Matris (Come Touch My Fallopian Tube), Hawakan Mo Ang Aking Obaryo (Come Touch My Ovaries) o kaya ay ang pambatang Scooby-Do (na wala raw silang gagawin ni Piolo kundi mag-do nang mag-do!) o Peter Panty ("Show me your peter, I’ll show you my panty!").
Nakalolokah talaga si Ai Ai, kahit anong balahura ng jokes niya ay klik na klik sa audience.
Maging ang mga manang na katabi namin ay super-laugh sa kanyang malaswang brand of humor.
Pag-exit ni Ai Ai ay ipinakilala ni Piolo ang members of the band at pinasalamatan ang lahat ng mga naging bahagi ng kanyang buhay at tagumpay.
I’ll Be ni Edwin McCain ang kanyang next song, followed by Hanggang ni Wency Cornejo.
‘Yun daw sana ang kanta niya para sa kanyang dakilang ina pero hindi raw ito nakarating mula sa Amerika.
Bago natapos ang kanta ay biglang umakyat si Carlos Agassi sa entablado kasama ang Mommy Amelia ni Piolo na nais lang palang sorpresahin ang anak.
Nahinto ang pagkanta ni Piolo at nag-iyakan silang mag-ina sa stage pero nagawa rin niyang tapusin ang kanta niya for his mom.
Touching ang part na ‘yon at nag-iyakan ang mga nanay na katabi namin.
After that ay pinaakyat ni Piolo si Zsa Zsa Padilla at nag-duet sila ng Through the Years ni Kenny Rogers; tapos ay si Kuh Ledesma ang umakyat at nag-duet sila ni Piolo ng Habang May Buhay.
Then Piolo sang a special song na sinulat daw ng isang sikat na singer-composer just for his concert.
Kapagkuwan ay in-introduce niya ang nasabing singer-composer… which turned out to be the Concert King Martin Nievera!
Hiyawan ang crowd nang mag-duet sila ni Martin ng You Are My Song. Pagkatapos ay inawit ni Piolo ang The Gift na theme song ng hit movie nila ni Claudine na Milan. Kinuha niya sa audience si Claudine at kinantahan sa stage. He then thanked everyone, saka siya nagpaalam at um-exit.
Ang mga hindi sanay manood ng concert ay nagtayuan na at dali-daling naglakad palabas, hindi nila alam na kiyeme lang ang goodbye na ‘yon at sisigaw lang sila ng "More!" para muling lumabas si Piolo to do his encore number.
Buttercup ang encore song ni Piolo na sinegue niya sa medley ng mga disco hits.
Nag-akyatan sa stage ang mga kasamahan niya sa ASAP Mania at iba pang stars na nanood para makisayaw with Piolo.
Syempre pa, hindi niya kinanta earlier ang Kailangan Kita dahil ‘yun ang kanyang pam-finale. 11: 30 PM natapos ang show.
It was a very memorable evening for Piolo dahil natupad na ang wish niyang makapag-solo concert at sa Araneta pa. Hindi na lang siya multi-awarded actor ngayon kundi full-fledged concert artist pa.
|
|
|
Post by admin on May 19, 2004 1:04:05 GMT 8
hey peeps! watch out for this on sunday, may 23 at abs-cbn channel 2, 930 pm! ;D for sure, daming claudine shots hehe ;D
|
|
|
Post by piolsluvclawee on May 20, 2004 11:42:46 GMT 8
any behind the scenes pictures? can't wait to see the concert. i'm glad that claudine was there to give support to piolo. were you able to get pictures of them together?
|
|