roda13
Regular Claudine Fan
Posts: 184
|
Post by roda13 on Jun 9, 2007 13:23:24 GMT 8
look at these pictures grabe if totoo...... may article pa sa pep...post ko pag mabilis na site nila..bagal nila load ngayon.
|
|
roda13
Regular Claudine Fan
Posts: 184
|
Post by roda13 on Jun 9, 2007 13:40:34 GMT 8
|
|
|
Post by fairy on Jun 12, 2007 18:14:41 GMT 8
Kakahiya talaga yan si greta....
|
|
|
Post by C Claudinian on Jun 13, 2007 9:22:42 GMT 8
Ay naku cnabi mo pa, fairy. Parang kulang na kulang sa atensyon. Kung di lang tlg ate yan ni Dine siguro tlg inokray-okray ko na yan ng todo. Inis na inis tlg ako sa kanya lalo na noon time ng Milan days kc tlg kung ano anong tsimis ang kinakalat na kesyo may alam daw siya sa nangyari kay Dine at Papa Piols. Buti na lang di nagpa epekto c Papa Raymart sa mga patudsada nya ayan tuloy kinakarma siya ang binibintang niya sa iba yon pala siya ang gumagawa. Ah ewan sa kanya.
|
|
|
Post by petmama on Jun 13, 2007 14:12:46 GMT 8
Greetings kids. Miss you guys na. Sorry bihira kong maka-post. Hard to type with hand braces kasi as usual. Haaaay.
Anyway, yeah confirmed nga na totoo ang mga pics na to ni Greta & John. Pero sabi ni Boy Abunda eh wala daw affair. Naku, kahit gaanong deny ang gawin nila, action speaks louder than words. I can see that Gretch is holding what looks like Heineken beer, so if she blames it on alcohol, in my eyes, mas grabe pa iyan kasi someone in her position to be caught in a compromising pose like those in the photos is not good at all. Gretch used very bad judgement. :oTsk tsk tsk. Poor Claudine. Her sisters are falling apart.
Isn't it ironic that Gretch gets involved with this kind of controversy at the same time that Marj supposedly is having an affair also. Not to mention Gretch's bff Ruffa G. also being separated from her illegal husband? Like they say, when it rains it pours.
|
|
|
Post by C Claudinian on Jun 14, 2007 5:13:51 GMT 8
:-*petmama. Buti naman naka post ka. Miss ka na namin dito kc parang kami na lang ni fairy ang active dito. Oo nga eh super controversial ng mga sis ni Dine 'Yon kay Greta di na ko nashock pero yon kay Marj nanghihinayang ako. Sana lang tlg di masyado affected c Dine lalo na ngayon ilang weeks na lang makikita na natin c Baby Santino Nakita mo na ba ang ultra sound pictures ang cute noh. Sana lang tlg maging easy ang delivery ni Dine kc tlg medyo tumaba cya pero pretty pa rin as ever. At alam mo ba daming saludo kay Dine ha! kc gulat c kay Dine na okay lang sa kanya tumaba for the sake of Baby Santino. At least di ba nakikita na ng iba dyan ang tunay na Dine at di yon mga sinusulat at sinasabi lang ng mga naiinggit sa kanya.
|
|
|
Post by fairy on Jun 14, 2007 11:42:54 GMT 8
Petmama, you're back! Grabe miss ka na namin! Glad okay ka ulit....
C claudinian, santino ba ang name ng baby ni Dine hindi ba Rodrigo?
Di ako nakanood ng WK kagabi daming tinatapos sa opis.
Sayang talaga yung marj and dennis for 14 yrs naghiwalay rin. True ba may 3rd party si Marj? napanood ko before sabi niya fault daw ni dennis.
HAy sana lang wag masayadong dibdibin ni Clayu ang problema ni ng mga sis niya. Alam mo naman yun kapag para sa pamilya niya.
|
|
|
Post by fairy on Jun 14, 2007 18:20:13 GMT 8
Halik kay Gretchen:
`WALANG MALISYA’--JOHN ESTRADA
--------------------------------------------------------------------------------
Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang sumabog ang eskandalo kaugnay sa ‘kissing photo’ na unang kumalat sa internet, nagsalita na rin kahapon si John Estrada upang humingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan sa naturang kontrobersya at mariing sinabi na hindi dapat bigyan ng malisya ang litrato nila ni Gretchen Barretto.
Pero hindi lumantad sa publiko ang aktor sa halip ay nagpalabas ng isang statement ang kampo ng aktor kung saan inako nito ang lahat ng kasalanan sa nasabing kontrobersiya at binigyan-diin na walang namamagitang anumang relasyon sa pagitan nila ni Gretchen maliban sa pagiging magkaibigan.
"I did not want to talk. I did not want to give any satisfaction to those malicious minds that deliberately posted the photo on the Internet. But I believe that many feelings have been hurt by all this, and I take the responsibility to set things right. I am taking the blame," anang statement ni John na natunghayan sa Philippine Entertainment Portal.
Kinumpirmang kuha nga ang ‘kissing photo’ sa bahay ng kaibigan nilang si Rufa Mae Quinto na binigyan ng surprise birthday party ng boyfriend nitong si Erik Santos noong Mayo 27, 2007.
Inamin din ni John na galing sa kanyang cellphone ang mga larawan na lumabas sa internet subalit hindi naman tinukoy kung sino ang sa kanyang palagay ay nagpakalat o nag-post ng ‘kissing photo’ sa internet. "The photos were from my cellphone. It was a thoughtless moment and bad judgment to even take those photos. I never released, nor gave anyone permission, to release them," ayon pa sa pahayag ng aktor.
Sinabi pa ng aktor na marami silang nagkukuhanan ng larawan ng mga oras na iyon at "kung may malisya ang yakap at halik na iyon, ‘di hindi sana nangyari iyon sa harap ng marami." "For all those I have hurt unintentionally, I am very sorry. To Ms. Gretchen and her loved ones, I sincerely apologize. None of them deserve this."
Ipinagtanggol pa ni John: "No one has the right to judge Ms. Gretchen. She is a good person. We have been friends since the early ‘90s. She does not deserve all the ugly talk."
Napag-alamang bukod sa paghingi ng paumanhin kay Gretchen at sa pamilya dahil sa kontrobersiyang nilikha ng litrato, tumawag din umano si John sa dating asawa na si Janice de Belen para humingi ng sorry dahil baka nadamay pa umano ang mga anak nila sa eskandalo.
Maaaring natutukso na umano ang mga bata at apektado na rin ang mga ito kaya humihingi si John ng paumanhin sa kanilang mga anak.
Sa programang Sis ng GMA Channel 7, isang phone-in question ang sinagot ni Janice tungkol sa ‘kisscandal’ subalit iniwasan nitong pag-usapan pa ang kontrobersiya, sa halip sinabing wala siyang pakialam sa eskandalo kaya wala siyang masasabi.
Tahimik lang umano si Janice sa isyu hangga’t hindi naaapektuhan o nadadamay ang kanyang mga anak.
Samantala, nakakausap umano ni Gretchen ang ilang malalapit na kaibigan nito at mukhang mabuti na ang kanilang lagay ngayon ni Tonyboy Cojuangco.
Gayunman, paiba-iba pa umano ang desisyon ni Gretchen kung magsasalita pa o hindi na hinggil sa ‘kissing photo’ nila.
"That was for fun," ganito umano ang deskripsyon ng aktres sa naturang litrato ngunit inamin nitong isang pagkakamali iyon at handa siyang harapin ang anumang idudulot nito sa kanya.
|
|
|
Post by petmama on Jun 15, 2007 15:11:43 GMT 8
Helllloooo din Claudinian & Fairy. Yeah paminsan-minsan I take off my braces para makapag-internet.
Naku, Gretchen said "for fun" lang iyong kissing photos? Dios mio. Anong klaseng asawa ka at ina kong ganyan ang disposisyon mo sa buhay. Binibigyan niya ng bagong amunition ang mga taong nanglalait sa kaniya noon dahil sa pagiging mistress niya ni Tony Boy. Dios ko, babaw na nga dati ang tingin ng tao sa kaniya tapos dagdagan pa niya? Ano kaya ang reaction ng masungit na ina ni Tony Boy?
|
|
|
Post by C Claudinian on Jun 16, 2007 20:31:41 GMT 8
:-*petmama. Buti naman kahit paano nakakapag post ka pa rin. Miss ko na kc mga kulitan natin dito eh. Tayo na lang nina fairy ang active dito ngayon lahat yata nasa PEX. Tamad naman ako doon kc bukod sa daming mga pasaway eh ang dami mo kailangan balikan na pages pag di consistent ang babad mo ;D Anyway, balik controversial Greta tayo, 'yon ba ang sabi nya na "for fun" lang yon. Ibang klase din tlg c Greta napaka taklesa nya eh di ba nya alam na konting galaw nya lang pinag uusapan na cya. Ayy naku sabi ko nga di na ko nagugulat sa mga actions nya ang hirap lang nito I'm sure affected ng husto c Dine. Kumusta na kaya c Dine ngayon?
|
|