|
Post by admin on May 31, 2003 23:40:28 GMT 8
[glow=red,2,300]Claudine, Dominic at Marvin nagpatawaran [/glow]
ITO ANG L8ST NGAYON! ni Eric John Salut Pilipino STAR Ngayon 05/28/2003
Na-touch ako while watching Claudine Barretto, Dominic Ochoa and Marvin Agustin singing together in ASAP Mania last Sunday. ‘Yun ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama ang tatlo matapos ang tampuhan noong kainitan ng pagkamatay ni Rico Yan. Kung inyong matatandaan, naging mag-bestfriends ang tatlo noong nabubuhay pa si Rico. At sa pagkawala ni Rico, nabahiran ang pagkakaibigang ‘yun na humantong pa sa palitan ng salita sa ere.
Noong Sunday, naging emotional ang tatlo habang kinakanta ang theme song nilang magkakaibigan noong buhay pa si Rico, ang "Keep Believing" ni Aaron Carter. Napansin ko ‘yung higpit ng yakapan nina Claudine at Dominic. Mukhang sila talaga ang naapektuhan ng tampuhan.
"Nagkikita kami pero hindi kami comfortable sa isa’t isa noon. But after that, ang gaan na ng feeling namin. At least, alam namin sa sarili namin, ayos na kami and Rico is surely happy seeing us together," sabi ni Dominic na sinang-ayunan naman nina Claudine at Marvin.
Nagpapasalamat sina Claudine, Dominic at Marvin sa effort ng common friends na tuluyan na silang magkaayos at magkapatawaran.
|
|
stashy
Regular Claudine Fan
claudine rules!
Posts: 127
|
Post by stashy on Jun 4, 2003 13:44:07 GMT 8
i watched it. i was teary eyed din. anyway, if you don't mind me asking, anu ba sana ang ibibigay nila ke claudine?my msg pa dapat si dominic about the time when they recorded the song kaya lang naputol. thanks!
|
|