|
Post by admin on Jun 7, 2003 22:54:10 GMT 8
[glow=red,2,300]Claudine walang kamalay-malay na may hate campaign sa kanya [/glow] Pilipino STAR Ngayon 06/07/2003 Inamin sa akin ni Claudine Barretto na wala siyang kaalam-alam na may "hate campaign" sa kanya ang mga fans, partikular umano ang mga tagahanga nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Kung hindi ipinaalam sa kanya ito ng Talent Center, ni sa guni-guni nito ay hindi niya maiisip na may mga tagahanga na kinamumuhian siya dahil nakapareha niya si Piolo Pascual. "Hindi bastos ang mga fans nina Juday at Piolo dahil matagal na sana nilang ginawa ito sa akin. Never na naka-experience ako sa kanila ng mga salitang masasakit o pananakit man lang," anang aktres nang makadaumpalad ko sa advance screening ng Ang Tanging Ina sa Studio 1 ng ABS-CBN. Hindi rin naniniwala ang aktres na ganoon kakitid ang utak ng mga fans dahil alam ng mga ito na trabaho lang ang ginagawa nito. Kung naitambal siya kay Piolo ay hindi niya kagustuhan iyon kundi mula iyon sa management ng network. Tungkol sa pagka-ban ng mga tagahanga nina Juday at Piolo sa isang episode ng ASAP Mania, ito ang kanyang naging pahayag, "Wala akong alam na may ganoong insidenteng naganap at saka, mahirap paniwalaan dahil bawat isa sa amin ay binibigyan ng 10 hanggang 15 tickets para ipamigay namin sa mga tagahanga para makapasok sa studio. ‘Yung sinasabing baka bastusin ako ng fans kaya di sila nakapasok, again, di ako naniniwala na magagawa iyon sa akin." (Alex Datu)
|
|