jlanie
New Claudine Fan
Posts: 55
|
Post by jlanie on Jun 21, 2003 5:32:47 GMT 8
CLAUDINE, DI TAKOT SA REAKSYON NG JUDAY-PIOLO FANS
Malapit ng tumulak sina Claudine Barretto at Piolo Pascual sa Italy para gawin ang movie nila para sa Star Cinema.
Dahil sa pagtatambal nila ng aktor, maraming mga fans ni Judy Ann Santos ang umalma at pinagbibintangang mang-aagaw si Claudine. Mayroon na raw "Hate Campaign"na inilulunsand ng mga ito.
Handa naman si Claudine at hindi siya natatakot dahil ang team-up niya kay Piolo ay pagsunod lamang sa management ng ABS-CBN. At lalong hindi niya "aagawin"ang aktor kay Juday dahil masayang-masaya siya sa boyfriend niyang si Raymart Santiago.
'Yung mga gagawin nilang romantic scenes sa pelikula ay pawang trabaho lamang at walang anumang personal na emosyon. Sabi nga ni Claudine hindi naman daw siguro ganoon kakitid ang isipan ng fans nina Juday at Piolo.
----------------------------------------------------------------------
|
|