Post by admin on Jul 22, 2004 1:40:21 GMT 8
[glow=red,2,900]Claudine naging artista dahil sa aming boto [/glow] TALK SHOW
Fundy Soriano
Taliba
Katorse anyos palang si Claudine nang tanggapin ng Seiko
NOW it can be told. Naging artista ang birthday girl na si Claudine Barretto dahil sa aming boto. And we are very happy sa aming naging desisyon dahil hindi kami nagkamali na si Claudine ay magiging isang matagumpay na artista.
Noon ay July 1993 o 11 years ago. Dalagita pa lamang noon si Claudine sa edad na 14.
Dahil kami ang promo director noon ng Seiko Films at si the late Ka Oskee Salazar naman ang publicity director, isinama kami ng aming boss, si Pareng Robbie Tan sa Club Filipino.
Gusto niyang kalis-kisan namin ang isang wannabe, ang youngest sister ng hottest property noon ng Seiko na si Gretchen Barretto.
Iyon ang unang pagkakataong nakita namin si Claudine. Pagkaraan ng ilang question-and-answer, natuklasan namin na talagang hilig niya ang maging isang artista.
NANG pabalik na kami sa New Manila office ng Seiko Films, tinanong kami sa kotse ni Pareng Robbie kung okay daw ba si Claudine sa aming panlasa, at kung itutuloy niya na bigyan ito ng one-year contract.
"Hindi siya napakaganda pero magbabago pa ang kanyang physical appearance dahil bata pa siya," si-mula namin.
O ano? Ikukontrata ba natin?
"Dahil hilig daw niya ang maging artista kaya naniniwala ako na maari siyang magtagumpay. Okay Boss, ikontrata na natin," sagot namin.
Kaya hindi naglipat-linggo, pinapirma ang magulang ni Claudine ng kontrata (dahil hindi siya pwede bilang menor de edad), sa isang classy resto sa Greenhills, San Juan. Nais naming ipaliwanag na kung negative ang aming boto kay Claudine, tiyak na hindi siya ikinontra ng Seiko.
Pumirma rin kami bilang witness sa kontrata ni Claudine.
ANG unang pelikula na kanyang ginawa para sa Seiko noong 1993 ay ang Pulis Patola. Introducing si Claudine sa pelikulang pinangunahan ng kanyang Ate Gretchen at ParaƱaque Vice Mayor Anjo Yllana, na sang-ayon sa political circle ay isang "double agent" (dahil nagkunwari siyang pro-PGMA samantalang ang kanya raw puso ay para sa natalong si FPJ).
Kung ilang pelikula ang nagawa ni Claudine sa Seiko bago siya nagpakontrata naman sa teevee, sa ABS-CBN 2 dahil sa mungkahi ng production manager na si Sammy Samonte.
Sa nasabing network at sa sister company nito na Star Cinema kuminang nang husto ang pagkabituin ni Claudine.
At pagkaraan ng 11 taon, isa ng tunay na star si Claudine at made na siya bilang aktres.
We are very happy for her. Hindi kami nagkamali ng desisyon na siya ay magtatagumpay bilang aktres.
Happy birthday Claudine!

* * *