|
Post by admin on Jan 29, 2005 12:37:21 GMT 8
Pagampon nina Raymart at Claudine kay Sabina, lumilinaw! 1/28/2005 6:40:00 PM
Tila panahon na lamang ang hinihintay nina Claudine Barretto at Raymart Santiago para malegalize ang adoption nila sa baby na si Sabina na iniwan ng mga magulang sa harap ng pinto nila.
Naging maganda ang mga tugon nina Claudine at Raymart sa mga questions sa kaniya ng judge. Gusto raw sana ni Claudine na ma-approve na ang adoption para mabinyangan na rin ang bata bilang isang Barretto. Kawawa nga naman kasi ang bata kung hindi ito mabibigyan ng pangalan at walang kikilalaning mga magulang.
Sa ngayon ay ang family name muna ni Claudine na Barretto ang ibibigay kay baby Sabina. After naman makasal nina Claudine at Raymart, hopefully late this year, si Raymart naman ang gagawa ng legal moves para maging Santiago naman ang bata.
Cute na cute at bibong bibo si Sabina. Masiyahin din ito at walang dudang magiging maganda ang kinabukasan nito sa poder nina Claudine at Raymart.
Kung hindi naman ma-approve ang adoption, walang choice silang dalawa kundi ibigay sa DSWD ang bata para just in case kunin ito ng mga tunay na mga magulang.
|
|
|
Post by petmama on Jan 29, 2005 16:55:14 GMT 8
I saw the clip of 24 oras. They were a picture of a happy family. Sabina is a happy baby. It would be very hearbreaking if the adoption is denied. I hope the judge will see how lucky Sabina is having Claudine as a mother.
|
|
|
Post by admin on Jan 30, 2005 1:31:54 GMT 8
i have a vid of this pero yung sa saksi .. buti pa ch. 7 libre replay sa internet, 2 may bayad .. di ko tuloy napapanood tv patrol ..
anyways, kulot hair ni claudine, new look. cute ;D
|
|