Post by lily on Feb 4, 2005 9:20:40 GMT 8
Tuloy na Tuloy na…
KASALANG CLAUDINE-RAYMART SA ENERO, 2006!
(Most Wanted)
ni Cristy Fermin
BULGAR
Tinawagan kami ni Claudine Barretto
nu’ng Miyerkules nang gabi, gusto raw
niyang kami ang mauna sa isang
napakagandang balita tungkol sa kanyang
buhay, magpapakasal na sila ni Raymart
Santiago sa Enero 5 o 7 ng susunod na taon.
Pinagpipilian din nila ngayon ni Raymart
kung saan eksaktong gaganapin ang kasalan,
kung sa Cebu City ba, sa Tagaytay o sa
Baguio. Kinukumpleto na rin nila ngayon
ang listahan ng kanilang mga magiging
abay, at kung sinu-sino ang mga iimbitahin
nila sa kanilang kasal.
Nandito na ang kanyang kapatid na si Ghia,
sa Hulyo ikakasal sa simbahan ang nakakatanda
niyang kapatid na nagpakasal na sa huwes
sa Canada, at nu’ng gabing tawagan kami
ni Claudine ay kamiting na nila Raymart
ang kanilang wedding planner.
Tuloy na tuloy na nga ang kanilang kasal ni
Raymart sa Enero, wala nang urungan ito,
at sa boses pa lang ng aktres ay ramdam
na naming ang kakaiba niyang kaligayahan.
Bukas naman ay bibinyagan-babawtismuhan
na siya sa Victory Churh, tapos na siya sa
estado ng pagdodoktrina at handa na siyang
tanggapin ang bagong konbiksiyong-ispirituwal,
kaya inulit niya ang pag-aayuno (fasting) mula
kahapon hanggang bukas sa pagbabawtismo
sa kanya.
Nakakataba ng puso ang sinabi sa amin ni
Claudine, “Bago ako i-baptize, I need to
talk some people closest to my heart, and
you’re one of them, ‘Nay.”
Magkakasama na sila ngayon sa Victory Church
nina Piolo Pascual, Jericho Rosales,
Donita Rose, Diether Ocampo, Kristine
Hermosa, Coney Reyes, Gary Valenciano
at marami pang ibang kilalang personalidad.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hindi pa man ay may pauna nang biyaya sa
kanila ni Raymart ang langit, si Sabina,
ang batang itinuturing na nilang hindi iba
ngayon at isususnod na sa kanilang pangalan
sa pamamagitan ng ikinorte nilang proseso
ng legal adoption.
Gusto nina Raymart at Claudine na sa murang
edad ay maramdaman na agad ni Sabina ang
tiwala sa sarili, ang seguridad na nararamdaman
ng isang anak ng lehitimong mag-asawa,
ayaw nilang lumaki ang bata na tinatawag
na ampon lang.
Nasasaksihan naming kung gaano
katinding pagmamahal at pag-aaruga
ang ibinibigay nina Raymart at Claudine
kay Sabina, daig pa nga nito ang nagmula
mismo sa sinapupunan ng aktres, dahil buo
at bukal sa puso ang pagmamahal na
ibinibigay nila sa bata.
Unti-unti na nilang kinukumpleto ang mga
kagamitan sa bagong bahay na ipinatayo
nila ni Raymart, ”Wala pang mga curtain,
hindi pa kumpleto ang mga muwebles,
pero it’s so nice to feel na this is our world.
Ito ang mundo naming, ito ang magiging
dwelling place naming,” kuwento pa
ng maligayang si Claudine.
Sa kanyang pagsasalita ngayon ay palaging
una ang pangalan ng Diyos, ”God willing,”
madalas niyang sabihin, ”We’re so blessed,”
at iba pang mga salita na nagpapakita ng
pagtanaw ng utang na loob sa Diyos at
kung gaano kabuhay ang kanilang
pananampalataya ngayon ni Raymart.
Hindi na kami nagtataka ngayon kung paano
natulayan ang pagkakasundo nila ni Gretchen,
kung bakit napakapositibo ng pananaw nila
sa buhay ni Raymart at kung bakit
napakamaaliwalas ng mukha ngayon
ni Claudine, walang idinudulot na mali
ang pagiging malapit sa Diyos.