Post by lily on Feb 13, 2005 9:49:17 GMT 8
MOST WANTED
Ni Cristy Fermin
BULGAR
Sumasailalim na ngayon sa proseso ng
counseling sina Raymart Santiago
at Claudine Barretto sa Victory Church,
ito ang isa sa preparasyong ginagawa
ng magkarelasyon para sa nalalapit na
nilang pagpapakasal, kailangang kumpletuhin
nila ang marriage counseling para malaman
nila kung nakahanda na sila sa paglagay
sa tahimik.
Walang dudang nagmamahalan sina
Claudine at Raymart, pero hindi lang
naman pagmamahalan ang sangkap
ng isang matagumpay na buhay may-asawa.
”That’s actually the reason why we’re doing
this, marami pa kasi kaming hindi alam, there’s
a lot to discover pa sa aming dalawa,” sabi
ni Claudine.
Ang kanyang maghapon ngayon ay punumpuno
ng puro miting, siya mismo ang namamahala sa
kung ano ang isusuot ng kanilang mga ninong
at ninang, kung anu-anong pagkain ang ihahanda
nila para sa kanilang mga bisita at kung sinu-sino
ang kanilang mga iimbitahan.
Meron naman silang wedding planner,
pero nasa kanila pa rin ni Raymart ang
huling pagdedesisyon, kahit naman sa
anong linya ay palaging hands on si
Claudine.
Siya ang nagpapaligo kay Sabina kahit
meron naman itong yaya, kahit sa kanyang
mga pamangkin ay siya ang nag-aasikaso,
kaya nga madalas sabihin nina Konsehal
Dennis at Marjorie na kapag dumating na si
Claudine ay hindi na halos kilala ng kanilang
mga anak.
”Pag may free time siya, dadalhin niyang lahat
ang mga bata sa mall, kakain sila sa labas, ganu’n
siya kasarap na maging tita.
“Saka nakikita ko, siya talaga ang nag-aasikaso
sa mga anak ko, siya ang nagpapakain,
siya ang dumidisiplina, sobrang mapagmahal
sa mga pamangkin niya si Claudine,”
papuri pa ni Marjorie sa kapatid nitong
bunso.
Napakasuwerte ng magiging anak nina Claudine
at Raymart, ngayon pa lang ay nakadisenyo
na nang maayos ang magiging kinabukasan
ng bata, dahil sa personal nilang pag-aasikaso.