|
Post by admin on Apr 14, 2005 1:46:15 GMT 8
Kumukuha pala si Claudine Barretto ng Child Psychology na affiliated with Boston ang Pennsylvania University. Hindi pa artista ay ito na ang pangarap niyang kuning kurso. Mahilig kasi siya sa mga bata. May tutor din ito at malapit nang grumadweyt. Puring-puri ni Claudine ang kanilang direktor na si Cholo Laurel dahil hinihimay nito ang bawat eksena. "Hindi siya palasigaw gaya ng ibang direktor. Pasensyoso siya at very professional. He’s a wonderful person," aniya. Aalis ito ngayong Huwebes for Dubai kung saan may gagawing silang pelikula ni Aga Muhlach. Sila ang bida ni Diether Ocampo sa teleseryeng Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Naggi-gym ang magandang aktres in preparation for her wedding sa Jan, next year. Nang ipakita ang trailer ay may voice over na nagsasabing alaalang laging buhay kaya tinanong ko ang aktres kung ano ang alaalang hindi nito malilimutan sa buhay. Naging honest naman ito sa pagsagot na si Rico Yan ang naging bahagi ng alaalang yun dahil nung mamatay ito ay nagkarun din ng kaguluhan pero naka-recover na siya at masaya na sa kanyang buhay ngayon sa piling ni Raymart.
|
|
|
Post by petmama on Apr 14, 2005 2:48:33 GMT 8
That is a perfect vocation for her kasi she truly loves children. Won't it be nice if she gets a degree? Also, she's so honest talaga to say that she still remembers Rico. Very endearing talaga ang ugali niya kaya naman labs talata siya ng Mommy ni Raymart. So tomorrow na pala ang alis nila for Dubai. Sana ipakita ng TV Patrol. Thanks Jen.
|
|
|
Post by Guest on Apr 14, 2005 4:57:37 GMT 8
Hi Petmama...saan article mo nabasa o nadinig yon sinabi ni Claudine na she still remembers Rico....please share it naman...thanks.
|
|
|
Post by petmama on Apr 14, 2005 6:44:14 GMT 8
Hi Petmama...saan article mo nabasa o nadinig yon sinabi ni Claudine na she still remembers Rico....please share it naman...thanks. Eto sa last parag ng post ni Jen. Nang ipakita ang trailer ay may voice over na nagsasabing alaalang laging buhay kaya tinanong ko ang aktres kung ano ang alaalang hindi nito malilimutan sa buhay. Naging honest naman ito sa pagsagot na si Rico Yan ang naging bahagi ng alaalang yun dahil nung mamatay ito ay nagkarun din ng kaguluhan pero naka-recover na siya at masaya na sa kanyang buhay ngayon sa piling ni Raymart.
|
|