Post by lily on May 14, 2005 14:34:21 GMT 8
Di pa man kasal…
CLAUDINE, SUSTENTADO NA NI RAYMART
Wala pa raw sa plano ni Claudine Barretto ang magpabuntis sa mapapangasawang si Raymart Santiago kahit pa ikakasal na sila sa January 2006. Bukod kasi sa ginagawa niyang movie, ang DUBAI with Aga Muhlach at ang ieere nang IKAW ANG LAHAT SA AKIN, may isa pa yatang malaking proyektong iniluluto ang Star Cinema para sa drama princess, ang SUKOB na pagtatambalan nila ng game show queen, si Ms. Kris Aquino.
“Napag-uusapan naming ni Raymart ang tungkol diyan (pagkakaroon ng sariling baby), but since gumagawa ako ng soap plus a movie pa, naisip naming na hindi pa priority ‘yan” sey ni Claudine sa IKAW ANG LAHAT SA AKIN press visit.
“Siguro, 2 (kids) na lang,” sagot ni Claud nu’ng tanungin siya kung ilan pang anak ang gusto nila ni Raymart bukod sa anak-anakan nilang si Sabina na magwa-one year old pa lamang.
Piliin na kaya ni Claudine ang maging plain housewife ni Raymart at iwanan na lang ang career kapag siya’y Mrs. Santiago na?
“My parents told me na iba rin siyempre ang may sariling ipon ka,” nakangiting pahayag ng aktres. “Hindi naman sa ang thinking ko e, baka iwanan ako ng asawa ko, anon a ang mangyayari? It’s fulfilling naman kasi na habang kaya pa, puwede pa akong magtrabaho at hindi umaasa sa iba. ‘Di ba, may ego (pride) naman ang bawat tao na kailangan ding magtrabaho para sa sariling panggastos, ‘di ba? Besides, nasanay na kasi akong nagtatrabaho at hahanap-hanapin ko rin ‘to,” sey ni Claudine.
Napaka-supportive naman daw ni Raymart. Lagi siyang asikaso rito at bagama’t sa January pa ang kasal, para na rin silang husband and wife sa pages-share ng mga gastusin sa kanilang baby Sab at sa bills sa bahay.
“Siya (Raymart) ang nagbibigay ng pang-grocery, milk ni Sab. Ini-enjoy ko ang pagba-budget. Minsan tinitingnan ko ang pay slip niya at minsan, mas malaki pa sa akin (pay slip).
“’Pag wala akong trabaho, inaabutan niya ako. Pero naiiyak ako kasi hindi ako sanay na ako ang binibigyan,” biro pa ng aktres sa amin.
ADORE ME!
Ni Ador Saluta
(Bulgar)