Post by admin on May 24, 2005 16:47:00 GMT 8
Kung si Claudine nakipagbati na kay Gretchen, Marjorie ayaw pa!
Pilipino STAR Ngayon 05/24/2005
Melba Llanera
Kung si Claudine Barretto ay nagbukas na ng pinto ng pakikipagbati sa kapatid na si Gretchen Barretto kung saan humingi na ng tawad ang Luna Award Best Actress kay La Greta at inimbita pa nito sa nalalapit nilang kasal ni Raymart Santiago sa January 2006, kataliwas naman ito ni Marjorie na nagbigay ng pahayag sa amin na oras na itinakda ng Diyos at hindi sa oras na sila ang magtatakda, magkakaayos sila ni Gretchen.
Ayon kay Marjorie ay hintayin lang natin ito na mangyari ng kusa dahil ang lahat ng nangyayari ay may timing na tinatawag. Kung magkakaayos sila ng kapatid ay magkakaayos sila pero, kung hindi ay masasabing nasa maayos naman silang kalagayan pareho ni Gretchen. Sa takbo ng pananalita ni Marj ay mukhang sariwa pa ang sugat na dulot ng alitan nila ni Greta.
Kung matatandaan ay nag-ugat ang lahat nang mabalita na balak kuhanin ng Channel 5 ang serbisyo noon ni Willie Revillame para sa isang show na binabalak na buksan ng nasabing istasyon pero, balitang nagalit daw si Dennis Padilla at kinumpronta si Gretchen na nagresulta sa palitan ng di magagandang salita raw sa dalawa.
Natural na pumanig si Marjorie sa asawa at naiwan naman sa gitna si Claudine na kalaunan ay nadamay na rin sa gulo nila Marjorie at Gretchen. Samu’t saring mga balita ang lumabas at iba’t ibang kwento ang lumabas. Maraming tao ang nadamay pero, totoo nga siguro ang kasabihan na mas malapot ang dugo kaysa sa tubig, nakapagpatawad na si Claudine at maaring sa ngayon ay naghihilom na rin paunti-unti ang sugat sa puso nila Marjorie at Greta.