|
Post by lily on Jun 7, 2005 12:35:08 GMT 8
Claudine, hindi komportable sa pagdalaw ni Kristine sa shoot nila! Inamin ni Claudine Barretto na hindi siya naging komportable sa ginawang pagdalaw ni Kristine Hermosa sa shooting nila ng Nasaan Ka Man, ang pelikula ng Star Cinema na nagtatampok sa kanila nina Jericho Rosales at sa boyfriend ni Kristine na si Diether Ocampo.
Naging isyu kasi na may mga hindi nagustuhang eksena ni Diet si Kristine at tumaas daw hanggang noo ang kilay nito pero, in fairness, sinabi ni Claudine na hindi naman ito nag-cause ng gulo sa kanilang lahat but some sort of an uneasiness dahil "Mabigat ang mga eksena, hindi lamang siya ang maa-out of place kundi pati kaming lahat.
"Naisip ko rin si Echo na baka mailang sa kanya," anang magaling na aktres na umamin na ang Nasaan Ka Man ang pinaka-mahirap na pelikula na nagawa niya.
"Na-depress ako habang ginagawa namin ang pelikula. At kahit nasa set ay nakaramdam ako ng panic. Kapag napapatingin ako kay Diet ay nagkakaro’n ako ng kakaibang pakiramdam, eh matagal na kaming magkaibigan," dagdag pa ni Claudine.
Samantala, hindi binigyan ni Diet ng justification ang inasal ng kanyang girlfriend. "Di talaga pwedeng di siya maapektuhan. Ganun katitindi ang mga eksena namin."
Ang Nasaan Ka Man ay isang love story for all ages, bata o matanda at para rin dun sa mga mahihilig sa kaunting suspense. Directorial debut ito ni Cholo Laurel, isang magaling na commercial director na sumusubok sa pelikula. Unang nabalita itong, magdidirek sa Viva Films pero nagustuhan agad ng Star Cinema ang ibinigay niyang istorya. "Natutuwa naman ako na sila ang gumawa ng pelikula," anito sa presscon ng kanyang pelikula.
Ang pelikula ay tungkol sa magkapatid na matandang dalaga (Gloria Diaz at Hilda Koronel ). Relihiyosa ang dalawa pero, marunong mag-enjoy sa buhay. Umiinom sila’t naninigarilyo.
Nagsimula ang gulo nang magka-ibigan ang mga ampon nila. Wala sanang problema dahil hindi naman sila tunay na magkakapatid.
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio Pilipino STAR Ngayon 06/07/2005
|
|
|
Post by petmama on Jun 9, 2005 0:47:16 GMT 8
Now this is an accurate report. Di tulad nong iba na nagsasabing kesyo na-irita o naimbyerna daw si Claudine kaya naman iyong mga fans ni Kristine na mga bulag at bingi ay galit kay Claudine. Thanks Ms Lily.
|
|
|
Post by admin on Jun 10, 2005 1:02:05 GMT 8
dapat kasi tayo na lang ang dumadalaw wag na si kristine hehe pelikula lang naman yun, artista sya .. dapat alam nya yun. walang personalan. saka lalaki naman ang kanya, di ako magugulat kung ang nagrereact jan eh si raymart. well, it just shows claudine and raymart trusts each other fully. haha magstart nga ako ng intriga .. ito ba ang kinaiilangan ni claudine o ayaw nya talga si kristine para kay diet? lol, di ako taga-dyaryo .. gumagawa lang ng bagong chismis. hahahhahaa.
|
|
|
Post by admin on Jun 10, 2005 1:02:26 GMT 8
ang pikon, bahala kayo sa buhay nyo. hahahhaa
|
|
|
Post by petmama on Jun 10, 2005 4:54:04 GMT 8
dapat kasi tayo na lang ang dumadalaw wag na si kristine hehe pelikula lang naman yun, artista sya .. dapat alam nya yun. walang personalan. saka lalaki naman ang kanya, di ako magugulat kung ang nagrereact jan eh si raymart. well, it just shows claudine and raymart trusts each other fully. haha magstart nga ako ng intriga .. ito ba ang kinaiilangan ni claudine o ayaw nya talga si kristine para kay diet? lol, di ako taga-dyaryo .. gumagawa lang ng bagong chismis. hahahhahaa. hahaha - that's funny. I like that. ;D Anyway, here's another kampon ng mga fans ni Kristine....the writers name is Regee Bonoan, here's the article from Philstar. Kristine, gamit na gamit sa promo ng movie ni Diet Pilipino STAR Ngayon 06/10/2005 "Ate, nagkabalikan na po sina Diet at Tin," ito ang unang mensahe sa amin ng fan na siya ring nagbalitang nagkahiwalay na sina Kristine Hermosa at Diether Ocampo two months ago. Sa totoo lang, hindi na kami nagulat dahil nu’ng time na ibinalita sa amin ay may nakausap din kaming taong malapit sa dalaga at inaming nahihirapan nga siyang maka-recover dahil mahal na mahal niya ang actor. Nakakalungkot isipin dahil nagagamit si Kristine sa promo ng pelikula nina Claudine Barretto, Jericho Rosales at Diether na malapit nang ipalabas. Dagdag pa ng fan, "Hindi nga po nagkikibuan sina Tin at parents niya, narinig ko, nagpagamit ka na naman!" At sumagot daw si Kristine ng, "Mahal ko po, okey lang ‘yun." Sana nga kumita ang movie para hindi naman nasayang ang panggagamit kay Kristine dahil sa mga naglabasang write-ups na iisa ang nilalaman, kontrabida si Kristine Hermosa.
|
|
|
Post by lily on Jun 10, 2005 9:48:28 GMT 8
Now this is an accurate report. Di tulad nong iba na nagsasabing kesyo na-irita o naimbyerna daw si Claudine kaya naman iyong mga fans ni Kristine na mga bulag at bingi ay galit kay Claudine. Thanks Ms Lily. korek! petmama. ewan ko ba naman sa mga fans ni kristine. actually may na-insecure na naman sa amin sa 13th anniversary ng star magic sa asap 2 sundays ago. di ko na lang pinatulan kasi sila rin ang talo hehe. saka isa pa di naman ako pumapatol sa mga insecure hahaha, sorry na lang sila.
|
|
|
Post by lily on Jun 10, 2005 9:50:48 GMT 8
haha magstart nga ako ng intriga .. ito ba ang kinaiilangan ni claudine o ayaw nya talga si kristine para kay diet? lol, di ako taga-dyaryo .. gumagawa lang ng bagong chismis. hahahhahaa. intriga nga ito, hehe.
|
|
|
Post by admin on Jun 10, 2005 22:03:04 GMT 8
haha ate lily .. malaman na intriga talaga yan .. sana may pumickup na dyaryo .. fans naman ni claudine. hahahahaha insecure sila? dapat lang .. mas maganda tayo eh. hehehe
|
|
|
Post by petmama on Jun 11, 2005 0:50:32 GMT 8
Oh this is so much fun.... ;D Dagdagan ko ang intriga mo Jen.....do you think Diet regrets it now that he agreed na walang ligawan between him & Claudine? ;D ;D
|
|
|
Post by petmama on Jun 11, 2005 1:10:51 GMT 8
Now this is my version of vindication for Claudine from those na nang-aapi sa kaniya.....enjoy Claudinians. ;D
Save this article Print this article
Email to a friend Subscribe to our newsletter
Many wonder paanong naging selosa ang isang aktres ng isang tv network gayong wala kang maipipintas sa mukha niya. Flawless siya at talagang tisay ang features. Pero kahit pala pamatay na ang beauty niya ay may angking insecurities pa rin ito.
Sobrang selosa daw kasi ng aktres na halos talbugan ang isang body guard kung magwardiyahan ang kanyang actor boyfriend. Kahit saan daw ay nakabuntot ito kay boyfriend. At sa kabila ng maamo niyang mukha ay isang babaeng palaban like what happened recently.
Ang kuwento kasi ay may nagsumbong kay pretty actress na may pinopormahang co-star ang kanyang boyfriend. So secretly, sumunod ang aktres sa set ng show ng boyfriend. Sa palihim niyang pagmomonitor ay nahuli niya sa akto na nakikipaglambutsingan ang kanyang boyfriend sa co-star nito.
Caught in the act, bigla itong sumugod sa dalawa sabay sabunot sa babae. Naloka ang mga tao sa set. Buti na lang naawat kaagad ang aktres with a pretty face dahil kung hindi baka may kasamang kalmot pa ang sabunot niya sa newcomer co-star. Naku, kawawa naman if ever nangyari iyon.
|
|
|
Post by petmama on Jun 11, 2005 1:15:07 GMT 8
And this is the confirmation of the blind item. ;D ;D ;D
Save this article Print this article
Email to a friend Subscribe to our newsletter
Mula nang pagselosan ni Kristine Hermosa si Pauleen Luna sa boyfriend (o asawa?) niyang si Diether Ocampo, nadadalas na raw ito sa pagbabad sa taping ng Bora. Dati naman ay madalang pa sa patak ng ulan kung magpakita si Tin Tin sa set ng sitcom, lately daw ay nakababadi itong parang part ng cast.
Ang naging ugat ng isyu sa pagitan nila Tintin at Pauleen ay nang kumalat ang balitang may laplapan mms ang huli at si Diet. Nakita raw ito ni Tintin sa cellphone ng boyfriend at dali-daling binura. Pero ‘yun nga mabilis nang kumalat sa bakuran ng Dos.
Pinagharap na nga rin ang dalawa ng management para matigil na ang gulo sa kanila. Kaya naman itong si Pauleen ay todo iwas na lang kay Diet para makaiwas na sa isyu. Naiilang na raw ito kapag naroon ang aktor sa paligid kahit pa wala namang dahilan para maramdaman niya iyon.
Okay na raw sila Tintin at Pauleen. Nagngingitian na nga raw sila pag nagkikita sa ABS-CBN. Pero kinumpirma pa rin ng batang aktres na madalas ngang tumambay sa set ng Bora si Tintin kung saan kasama rin si Pauleen sa cast ng show.
|
|
|
Post by lily on Jun 11, 2005 8:51:34 GMT 8
haha ate lily .. malaman na intriga talaga yan .. sana may pumickup na dyaryo .. fans naman ni claudine. hahahahaha insecure sila? dapat lang .. mas maganda tayo eh. hehehe hay naku jen, oo naman 'no? hahaha (joke) pero sa totoo lang sobra sila insecure / selosa gaya ng idol nila. antay natin na tayo naman madyaryo hahaha.
|
|
|
Post by admin on Jun 11, 2005 11:08:01 GMT 8
ha! ayusin lang nila ang pagprint sa tin sa dyaryo at mamili ng magandang pictures hahahhaa petmama, thanks! parang 'sila' ata ang gumagamit kila claudine para magcomeback .. tingin mo?
|
|
|
Post by petmama on Jun 12, 2005 1:49:09 GMT 8
One thing we know for sure Jen is that Claudine does not need to use anyone. I don't think the ABS management is very pleased with Kristine at the moment. Of course they said they have projects for her but when? Medyo matagal nang natapos ang flopped Till Death.....hanggang ngayon wala pa rin siyang trabaho? Echo said that the reason Kristine did not get the role in his Panday is because she's busy. Ummmm, busy with what? Pagbabantay..... ;D
|
|
|
Post by admin on Jun 13, 2005 1:30:54 GMT 8
mas bagay si heart sa panday. period.
|
|