|
Post by jenny on Oct 28, 2005 13:45:48 GMT 8
Hindi nagugustuhan ni Claudine Barretto ang mga text messages na natatanggap niya buhat sa kampo ni Dr. Manny Calayan.
Nag-umpisa raw ang mga messages nung mag-guest siya sa programang The Buzz para sa promo ng Dubai kasama si Aga Muhlach at dahil si Claudine ang latest endorser ngayon ng Belo Medical Group ay pinasalamatan at binati niya on air si Dra. Vicki Belo.
Say mismo ng taong nakabasa ng messages ng kampo ni Dr. Calayan kay Claudine ay, "Bakit ka nagpa-pirate, magkano ka ba nabili ni Belo? Kami pa mandin ang ninong/ninang mo sa kasal?" na hindi na namin sinulat pa ang iba dahil grabe na.
Bagama’t malumanay ang pagkakasagot ng aktres sa nagpadala ng mensahe ay halatang irritable raw ito. "Wala akong kontrata sa inyo, hindi ako na-pirate dahil ako mismo ang lumapit kay Dra. Belo at higit sa lahat, kayo ang nag-volunteer na maging ninong/ninang ko sa kasal."
At ang nakakalokang nalaman namin ay "Hindi pa nga umu-oo ay ikakasal, kasi gusto nila, ‘yung super close sa kanila at may pinagsamahan na, kaya nagulat ‘yung dalawa na nagpa-press release na raw sina Dr. Calayan na ninong/ninang sila sa kasal. – REGGEE BONOAN
|
|
|
Post by jenny on Oct 28, 2005 13:48:51 GMT 8
ano ba yan panibagong problema na naman yata 'to ahh...
may alam ba kau dito?
ang tanong: bakit pinakawalan ni calayan si claudine tapos ngayon hahabol habol sya dito?!wala naman palang kontrata tapos sisiraan nya si dine?
naku tayo'y humanda at i'm sure hindi papatalo sila calayan dito...
|
|
stashy
Regular Claudine Fan
claudine rules!
Posts: 127
|
Post by stashy on Oct 28, 2005 14:50:45 GMT 8
calayan camp surely needs claudine for publicity..
|
|
|
Post by charmed on Oct 28, 2005 20:21:19 GMT 8
this people run a business??? how unprofessional.
if they wanted Claundine to endorse their company, they should've negotiated with her, paid her and had it in writing. are they going on the proverbial "utang na loob" excuse just because Claudine has used their services in the past? I'm sure she paid for all of it.
just because someone buys or use a company's product or services does not mean the consumer is supposed to exclusively endorse it. i'm sure all of you here can relate. i shop at OLD NAVY, does that mean I'm an endorser? I eat at McDonalds, does that mean I should start promoting it? I go to a hair stylist, should I start thanking all their staff? Unless I was offered a paycheck and a contract, no thank you.
hesusmaryaopsep... COMMON SENSE naman sana gamitin ng mga taong to.
|
|
|
Post by petmama on Oct 29, 2005 0:42:41 GMT 8
Hay naku, gusto lang ng publicity ng mga iyan. Dios mio, eh wala naman palang contract si Dine sa kanila eh bakit sila magalit kong lumipat si Dine kay Dr. Belo? Insecure kasi iyang mga iyan eh. Susmaryosep, crab mentality nga. Tapos di pa pala nag-agree si Dine na isama sila as ninong & ninang eh nag-promote na agad sila? Obvious bang may agenda?
|
|
|
Post by C Claudinian on Oct 29, 2005 9:35:35 GMT 8
Ano na naman 'to? Grabe naman mag react ang mga Calayan group na yan. Pakita muna nila kung may kontratang pinirmahan c Dine na forever cla endorse. Kung publicity man 'to ang pangit para sa business nila.
|
|
|
Post by petmama on Oct 30, 2005 8:57:49 GMT 8
Naku sana naman bongga ang year 2006 kay Dine kasi ang 2005 ay ang daming sakit niya sa ulo.
|
|
|
Post by C Claudinian on Nov 2, 2005 8:31:22 GMT 8
Sana nga, petmama. Sana tumigil na ang mga inggitero't-inggitera sa tabi-tabi.
|
|
|
Post by petmama on Nov 3, 2005 0:49:24 GMT 8
Below article is courtesy of nicole over at pex.....I was lurking yesterday.STARBOX Alex Datu Taliba
"NaTAtawa si Dr. Manny Calayan ng Calayan Surgi Center sa pagsasabong sa kanila ni Claudine Barretto. Aniya, huwag na raw naming patulan ang isyung nagpresenta silang mag-asawa para maging ninong at ninang sa kasal ng aktres.Pero, gustuhin man naming dedmahin ang isyung ito ay tiyak na masusulat din ito dahil sa mga nagpi-PR kay Doktora Belo na kalaban ni Dr. Calayan sa cosmetic surgery business.
Anyway, inamin ni Dr. Calayan na nag-presenta sila tulad ng karaniwang nangyayari sa magkakaibigan. Sa pagdalaw ng dalawa sa klinika nito sa Morato ay kitang-kita nito ang sweetness ng magsyota kaya pabirong naglitanya si Dr. Calayan na kung gusto nila ay kunin din silang ninong at ninang sa nalalapit nilang kasal.
Pero, sa totoo lang, wala kaming nakikitang masama kung magpresenta man ang kahit sino na maging ninang o ninong sa mag-syotang ikakasal, di ba naman?
Samantala, nakatanggap na ng kumpirmasyon si Doktora Pie mula kay Claudine nang mag-text ito sa kanya na nagsasabing magkakaroon ng isang special day para sa mga ninong at ninang ng kanilang kasal.
Kaya nagulat na lang ang mag-asawang beauty experts dahil ginagawan pa sila ng isyu ngayon against Claudine. Well, sana lang huwag na itong palalain pa."So, does this mean na pinag-aaway lang ng mga troublemakers si Dine & Drs. Calayan? Susmi, if that's true I feel really bad for jumping on their throats.
|
|
|
Post by C Claudinian on Nov 4, 2005 10:12:30 GMT 8
OMG, now I feel the same way as you do, petmama. Grabe react to the max pa naman tayong lahat.
|
|
|
Post by petmama on Nov 5, 2005 6:09:37 GMT 8
Well, Claudinian, siguro naman okay lang kasi we're just over-protective kay Dine. But that should serve a good lesson to get the story from both sides di ba?
|
|
|
Post by C Claudinian on Nov 5, 2005 10:18:12 GMT 8
|
|
|
Post by fairy on Nov 9, 2005 15:22:51 GMT 8
agree po!
|
|