|
Post by jenny on Nov 25, 2005 10:45:18 GMT 8
Certified Belo baby na si Claudine Barretto. At touched na touched ang aktres, dahil sobrang love siya ni Dra. Vicki Belo. Nagpapunta ng crew ng mga talk show at news ang sekretarya ni Belo na si Vangie para i-cover ang pictorial ni Claudine kay Raymond Isaac. Excited na si Claudine sa kanyang billboard bilang Belo endorser. Kahilera na niya sina Kris Aquino, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Christopher de Leon at ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres bilang Belo endorsers. Ayon kay Claudine, pinaghahandaan niya ang kanyang nalalapit na kasal sa March 27, 2006 sa Tagaytay, kaya depende raw kay Raymart Santiago kung papayagan siyang mag-undergo ng Smart Lipo (ang pinakabagong lipo service) ng Belo. Sa ngayon, meso therapy at lipo light ang ine-enjoy ni Claudine sa Belo, at feeling niya talaga, gumaan siya. Samantala, nilinaw ni Claudine na wala siyang kontrata kay Dr. Calayan, kaya wala itong karapatang magalit kung i-endorse man niya si Dra. Belo.
|
|
|
Post by cmjapc4 on Nov 26, 2005 1:55:04 GMT 8
Nagsalita na rin finally ang aktres na si Claudine Barretto tungkol sa isyung nagpasulot siya kay Dra. Vicky Belo na inirereklamo raw ni Dr. Manny Calayan.
Ayon mismo kay Claudine ay never siyang nagpasulot o sinulot ng kilalang beauty surgeon dahil wala naman daw siyang commitment kay Dr. Calayan.
"Wala akong kontrata sa kanya (Dr. Calayan), wala akong commitment at sa dalawang beses kong pagpunta sa kanya ay nagbabayad ako dahil hindi ako mahilig sa thank you o rega-regalo. Kaya nagtataka ako sa kanya (Dr. Calayan) kung bakit siya nagagalit at tinawagan niya ako personally tungkol diyan.
"Gusto ko rin liwanagin na hindi pa buo o tapos ang wedding entourage at nababago pa ang mga schedule, kaya nagtataka ako do’n sa sinasabing ‘ninong’ namin siya, sa totoo lang, wala pa ako o kami ni Raymart (Santiago) na inoo-han," deretsahang pahayag ng aktres.
Nabuking din na limang taon pala ang negosasyon ni Dra. Belo kay Claudine para maging endorser niya ng Belo Medical Clinic kaya’t nung finally pumayag na ang aktres ay laking tuwa raw ng nabanggit na beauty surgeon. "Kung mayroon mang dapat sumama ang loob sa akin dahil napunta ako kay Dra. Belo ay si Dr. Joel Mendez dahil siya ang unang humawak sa akin but bilang respeto, nagpaalam ako sa kanya na kinuha akong endorser ng Belo Medical Group."
"Inuulit ko, marunong akong rumespeto at hindi totoong hindi ako marunong tumanaw ng utang na loob," seryoso pang sabi ni future Mrs. Santiago.
|
|
|
Post by C Claudinian on Nov 26, 2005 7:34:24 GMT 8
Thanks for the article, love Salamat naman naliwanagan na 'to. Grabe c Dine kahanay na nya ang mga veteranong product endorsers ng bansa. Di nagkamali c Dr. Belo sa pagpili sa kanya tlg naman FLAWLESS c Dine. Nagtataka lang ako hanggang ngayon conscious pa rin cya sa weight nya at balak pa nyang mag pa lipo I'm sure because of her tummy kc yon ang madalas nahihiya cyang ipakita samantalang super sexy na cya at super pretty pa.
|
|
|
Post by petmama on Nov 30, 2005 7:01:15 GMT 8
Correction lang Claudinian hija. Mas nauna pang naging endorser si Dine kesa sa mga iyan. Di nga lang with the Belo Group. So siya actually ang veteran endorser.
|
|
|
Post by C Claudinian on Nov 30, 2005 9:59:57 GMT 8
Ohhh...excuse me cla pala ang sumusunod kay Dine. Iba na tlg ang kamandag ni Dine lahat naeenganyo(sp?)
|
|
|
Post by petmama on Dec 1, 2005 0:25:36 GMT 8
Hehe, tsaka wala kong paki kong nauna sila no? ;D
|
|
|
Post by C Claudinian on Dec 1, 2005 10:19:18 GMT 8
Aliw ka tlg petmama ;D kaya naman sumisigla ang board sa 'yo
|
|
|
Post by petmama on Dec 1, 2005 14:17:36 GMT 8
Why thank you Claudinian. :'(That's very nice of you. Speaking of which, bakit ang daming nagpo-post don instant messages sa site pero di sila pumapasok dito? Well, I suppose, okay lang. At least sanay na tayo sa isa't-isa.
|
|
|
Post by petmama on Dec 24, 2005 1:18:44 GMT 8
Interesting. Did Boy Abunda have a hand in this? THE TUSSLE FOR the endorsement services of Claudine Barretto between “beauty doctors” Manny Calayan and Viki Belo has taken a bizarre twist after speculation floated that talk show host Boy Abunda brokered a deal between Belo and Claudine. Claudine announced on “The Buzz” on Sunday that she was set to endorse Belo. Calayan claims the actress has a non-expiratory agreement with his Cosmetiderm Aesthetic Laser SurgiCentre as a “celebrity model.” In an exclusive interview with Inquirer Entertainment on Monday, Calayan speculated that Boy Abunda, a talent manager and one of the hosts of “The Buzz,” might be behind Claudine’s decision to switch doctors. “I’m just guessing here,” Calayan, speaking in Filipino, admitted. Boy Abunda denied he had a hand in Claudine’s move, pointing out that he had no personal relationship with the actress. “I am managing Gretchen (Barretto, Claudine’s older sister), not Claudine,” Abunda said. “I cannot influence Claudine about anything.” Inquirer Entertainment tried but failed to get Claudine’s side. Calayan furnished Inquirer with a copy of the actress’ exchange-deal agreement with his clinic. The agreement enumerates treatments and products that Claudine would get for free in exchange for her endorsement. Claudine signed the agreement about two years ago, Calayan said. “Since then, she and her fiancé Raymart Santiago have been getting treatments and medicines from Cosmetiderm.” The cosmetic surgeon insisted that it was all right for Claudine to endorse other skin products for as long as she informed him first. As for the endorsement of Belo’s clinic, he said: “Claudine could have told me before she went on TV. A single text message would have been sufficient.”
|
|
|
Post by fairy on Dec 28, 2005 12:08:49 GMT 8
ang arte naman ni calayan! hmp!
|
|
|
Post by petmama on Dec 29, 2005 0:52:33 GMT 8
Hehe, buti nga at nagkaroon siya ng free publicity for his clinic no?
|
|