julie
New Claudine Fan
Posts: 84
|
Post by julie on Jan 18, 2006 14:29:44 GMT 8
2 komersyal ni Sabina tinanggihan ni Raymart!
Ang Pilipino STAR Ngayon 01/18/2006
Anak nina Marjorie Barretto at Caloocan Councilor Dennis Padilla ang batang nasa commercial ng isang brand ng shampoo na ang punchline ay "Ang Kapal."
Nang makaharap namin si Claudine Barretto, naitanong namin sa kanya kung payag ba silang maging product endorser ang adoptive daughter nila ni Raymart Santiago na si Sabina?
"Sa akin, walang problema. Si Raymart ang nagdi-decide," simula ni Claudine. "In fact, nu’ng months pa lang siya ay may dalawang offer na siya to endorse two baby products. ‘Yung isa ay isang brand ng diaper, pero parehong tinanggihan ‘yon ni Raymart. That was before na buwan pa lang si Sabina. I just don’t know ngayon, na magto-two years na siya and if ever na may offer uli, di ko alam kung papayag na si Raymart," sabi pa rin niya.
Kitang-kita namin ang ganda ng relasyong Santiago-Barretto-Sabina. Kasing ganda ng bahay nila. Nang dumalaw kami ay nilalagyan na lang ng marmol ang hagdanan sa likod ng bahay at ayon sa co-star ni Kris Aquino sa pelikulang Sukob ay isang Asian contemporary ang disenyo ng bahay nila ni Raymart.
Masaya pa ngang ikinikwento ni Claudine na halos disenyo ni Raymart ang kabuuan ng bahay. ‘Yung maraming bonsai plants ay si Raymart daw ang matiyagang naglalagay ng alambre para maging maganda ang porma ng mga halaman. — BOY ROMERO
|
|
|
Post by Rosita Romero on Jan 18, 2006 16:26:56 GMT 8
Hi,Guys . Parang Relative ko ito si Boy Romero ata ah! Can you tell me guys who he is ! Are he working with Claudine ? Will explain me about this guysmy Name : Is Rosita Romero im from Bohol Kandehay Bohol . God Bless :-*
|
|