|
Post by shey on Jun 27, 2005 14:47:55 GMT 8
i read one time that they hung out and then i heard that claudine has said in tv patrol that kristine was unprofessional for being in the studio watching diet at his scenes with kluna? how true is this?
|
|
|
Post by dRKanGL on Jun 28, 2005 5:13:42 GMT 8
To answer your question.. no, they were never close friends. Pero, kung sabagay, civil naman sila with each other. Siguro.. they're ok with each other and respect each other. Pero di sila close. Anyways.. as for that news.. it's not surprising Clauds would say that regarding that issue considering kung totoo man o hindi, talagang unprofessional yon eh. Dapat alam ni Kristine na trabaho lang yon at walang personalan. Kahit gaano tindi yung eksena, trabaho yun eh. Kailangan talaga sa pelikula, kaya.. ayun. But I dunno kung sinabi ni Clauds yon o hindi.. pero kung sabagay nga, Clauds is right. Yun lang po.
|
|
|
Post by petmama on Jun 28, 2005 5:30:26 GMT 8
Below is the accurate report of the presscon. I hope people will read carefully because Claudine NEVER called Kristine unprofessinal. Susme, dagdagan ba naman ang sinabi nong tao.
Inamin ni Claudine Barretto na hindi siya naging komportable sa ginawang pagdalaw ni Kristine Hermosa sa shooting nila ng Nasaan Ka Man, ang pelikula ng Star Cinema na nagtatampok sa kanila nina Jericho Rosales at sa boyfriend ni Kristine na si Diether Ocampo.
Naging isyu kasi na may mga hindi nagustuhang eksena ni Diet si Kristine at tumaas daw hanggang noo ang kilay nito pero, in fairness, sinabi ni Claudine na hindi naman ito nag-cause ng gulo sa kanilang lahat but some sort of an uneasiness dahil "Mabigat ang mga eksena, hindi lamang siya ang maa-out of place kundi pati kaming lahat.
"Naisip ko rin si Echo na baka mailang sa kanya," anang magaling na aktres na umamin na ang Nasaan Ka Man ang pinaka-mahirap na pelikula na nagawa niya.
"Na-depress ako habang ginagawa namin ang pelikula. At kahit nasa set ay nakaramdam ako ng panic. Kapag napapatingin ako kay Diet ay nagkakaro’n ako ng kakaibang pakiramdam, eh matagal na kaming magkaibigan," dagdag pa ni Claudine.
Samantala, hindi binigyan ni Diet ng justification ang inasal ng kanyang girlfriend. "Di talaga pwedeng di siya maapektuhan. Ganun katitindi ang mga eksena namin."
Ang Nasaan Ka Man ay isang love story for all ages, bata o matanda at para rin dun sa mga mahihilig sa kaunting suspense. Directorial debut ito ni Cholo Laurel, isang magaling na commercial director na sumusubok sa pelikula. Unang nabalita itong, magdidirek sa Viva Films pero nagustuhan agad ng Star Cinema ang ibinigay niyang istorya. "Natutuwa naman ako na sila ang gumawa ng pelikula," anito sa presscon ng kanyang pelikula.
Ang pelikula ay tungkol sa magkapatid na matandang dalaga (Gloria Diaz at Hilda Koronel ). Relihiyosa ang dalawa pero, marunong mag-enjoy sa buhay. Umiinom sila’t naninigarilyo.
Nagsimula ang gulo nang magka-ibigan ang mga ampon nila. Wala sanang problema dahil hindi naman sila tunay na magkakapatid.
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio Pilipino STAR Ngayon 06/07/2005
|
|
|
Post by shey on Jun 28, 2005 14:05:39 GMT 8
thank you both.
i just want to know what claudine fans would say and what kristine fans would say. i want to hear what both side would say. i for one think that claudine is kind. i've watched her in tv and read her interviews and she was always respectful and nice. she never said anything hurtful. that's why i wonder about tv patrol. it's just that some people want to make claudine look bad.
|
|
|
Post by jowee24 on Jun 28, 2005 14:30:22 GMT 8
ang narinig ko lang sa tv patrol na sinabi ni Claud is the word "UNCOMFORTABLE". si ms gloria diaz nga ang nagkwento na tumaas ang kilay ni Tin. at sa tingin ko mga journalist lang at ibang showbiz reporter lang ang gumamit ng iba't ibang WORDS to describe it. at dun sa hindi nakapanood ng interview na fans ni Tin tinatanggap nila na ganun ang sinabi ni Claud eh hindi naman kaya galit sila kay Claud. Mis communication kumbaga.
|
|
|
Post by petmama on Jun 29, 2005 0:28:28 GMT 8
tumpak ka joweemarie......first of all nga iyang mga reporters eh pa-controversial sila so they twisted Claudine's words....secondly, ang ibang fans ni Kristine nag-react don sa mga second hand stories na....they did not bother to learn kong ano talaga ang tunay na sinabi ni Claudine kaya nagalit sila.....pumunta pa ang iba sa kanila don sa thread ni Claudine sa pex.....eh siempre we defended Claudine....kong ayaw nilang makinig sa totoo eh di manigas na rin sila.
|
|
|
Post by jowee24 on Jun 29, 2005 13:53:10 GMT 8
alam mo petmama, naiinis akong pumunta sa pex kasi ang sakit2x ng mga pinopost ng iba dun gaya na lang ng mag fans ni Juday at iyong iba inggit lang siguro. tinatawag nila si Dine sa kabayo, laspag daw, nagpalaglag at parausan......... di ba nila nakikita ang mga endorsement at achievement sni Dine ngayon, ito ang nagpapatunay lang na NAPAKABUTI NIYANG TAO KAYA BLESSINGS ARE POURING ON HER. bitter lang talaga ang iba.
|
|
|
Post by petmama on Jun 30, 2005 0:05:06 GMT 8
jowee - it's okay naman don sa pex thread ni Dine kasi ang moderator nakikinig sa request namin.....kahapon nga lang ni-request naming tanggalin iyong post ng kampon ni satanas at tinanggal naman din....basta huwag ka lang pumunta sa threads nila para di ka ma hb.
|
|
mau
New Claudine Fan
Posts: 2
|
Post by mau on Jun 30, 2005 15:03:41 GMT 8
Hi Petmama...Bago lang po ako dito...May kwento lang po ako...
This past few days...I started browsing several sites ng mga artista and I found one for the recent couple who just got married and broke-up, and the girl filed annullment afterwards...I guess alam nyo na po kung sino sila. From browsing all the topics and reading all the threads...Lalo pag nababanggit ang name ni Claudine at movie na Nasaan Ka Man...Naiinis ako kasi puro negative things ang mababasa mo...So I answered to one of the topic that say's, "Claudine and Gloria D. (Diaz)" most of the comments were negative. Nagagalit ang mga fans nung girl kay Gloria and Claudine and they were calling them bruha...Karma daw kay Claudine at di kumita ang movie niya and they tried comparing the girl against Claudine...Which is sobra as in...So nagpost din ako and wrote: "Stop comparing Claudine to her...I agree na she has a pretty face and sexy body but not the acting capabilities. With all the soaps and movies that she did, still she hasn't improved and so on...Ang funny kasi when I tried to move on to other topics I can't access anymore...Why? A text appeared that the forum moderator has blocked the network address (me)...Badtrip...If they don't want to see negative post then they should be the one to stop...Nakakatawa lang kasi kapag ung fans nung girl ang may post against other actors or Claudine (ok lang) pero pag may nagpost against their idol i-blo-blocked nila...So parang sinasabi nila na its ok if they will be the one do all those bad messages against the others but they are not willing to accept if they will be the one to be told...Kapraning!!!
|
|
|
Post by petmama on Jul 1, 2005 0:27:08 GMT 8
Kong sa pex ka na thread pumunta, pwede don magrequest sa moderator to delete a post kong hindi maganda ang sinabi mo, pero I don't think i-ban ka don kong iyon lang ang sinabi mo.
|
|
mau
New Claudine Fan
Posts: 2
|
Post by mau on Jul 1, 2005 9:36:05 GMT 8
It seems to me that you have doubt to what I really wrote in there. Hindi rin sa pex thread. It's really a site deidicated to Tin & Diet. Anyway, never mind...
|
|