|
Post by admin on Apr 10, 2004 13:27:39 GMT 8
hi peeps! a sister of ours offered to post episode guides for Marina starting this Monday so watch out for it ok! Thanks Gracielle for all the help! We're proud of you sis! ;D
|
|
|
Post by admin on Apr 10, 2004 14:52:49 GMT 8
but .. if ever you want to watch the video clips .. you can view it ate wilma's site at www.fantaserye.com
|
|
gracielle
New Claudine Fan
**charing**
Posts: 60
|
Post by gracielle on Apr 11, 2004 16:12:00 GMT 8
Kita kits sa Monday mga bagets!Mwa!
|
|
gracielle
New Claudine Fan
**charing**
Posts: 60
|
Post by gracielle on Apr 13, 2004 11:43:53 GMT 8
MARINA:APril 12,2004
Nakita ng mga sirena ang ginawa ni Victoria kay Marina kaya nagpasya silang magtipon at maghjiganti. Nagpunta sila sa Dagat at nag orasyon o nagsama-sama. Ito naman ang dahilan kung bakit napahagis si Victoria sa dagat at nagdala kay Marina sa kanilang kweba.
Pagkatapos na pagkatpos ng labanan nila Marina art Victoria, lumabas si Sheila sa may tabing dagat at natunugan nya may nangyraing masama sa lugar na iyun. Hinawakan ni Sheila ang lupa at nadama nya na bsa ito at nde maganda ang kondisyon. Pumasok si Sheila sa bahay at ginising sila Esther at Pilar para ipaalam ang nangyri. Sinabi ni Sheila na naramdaman nya na may nangyri kay Marina at hindi ito kaaya-aya. Naghinala naman si Pilar na kagagawna ito ni Victoria para gumanti. Pinagdasal naman ni Esther na hindi magkatoto ang hinala ni Pilar dahil alam nyang kahti ano ay magagawa ni Victoria.
Sa kweba ng mga sirena, nagpapasalamat si Marina sa mga kapwa nya sirena dahil sa pagligtas sa kanya. Nagusap usap naman sila kung anong pwedeng gawin para maibalik ang paa ni Marina. Natatakto naman si Marina na baka habang buhay na syang maging sirena dahil napatungan na ang sumpa ni Victoria sa kanya. Pinabulaanan naman ng gma ibang sirena ang isnabi nya dahil alam nilang may paraaan pa kung paano magkakapaa si Marina.
Sa kweba ni Dugong, nakaupo sa bato si Dugong samantalang nasa tubig naman si Victoria. Ayon kay Dugong, pasalamat si Victoria at sinagip nya ito sa tubig kung hindi patay na sana sya ngayon. Galit na galit naman si Victoria kay Dugong dahil hindi sinabi ni Dugong kay Victoria na si Marina pala ay si Kristina. Sinabi din ni Victoria na taksil si Dugong at walang respeto sa pagiging magpinsan nila.
Sa bahay nila Esther, naabutan nila Quintin at Rafael na nagkakape sila Esther, Pilar at Sheila. Hinanap ng dalawang binata si Marina at natahinik lang islang lahat. Naitanong ni Rafael kung bakit ang aga nilaa t sabaysabay sila nagising. Sinabi naman ni Sheila na nagkataon na magkakasabay silang gumising. Tinanong ni Rafael sila Estehr kugn may ipabibili sila sa kanila dahil pupunta sila sa bayan. Sinabi nalang ni Pilar na lumakad na sila ng makabalik kaagad at sinabing kung hinahanap nila si Marina ay nasa kwarto lang nito at tulog pa.
Sa kweba ng mga sirena, sinabi ni Istah na walang kailangan si Marina para humiling ng paa kay Dugong. Sinabi ng kasama nyang sirena na dahil nakakabit ang buhay ni Dugong sa kwintas na ibinayad nya dito, kung anong mangyri kay Marina e yun din ang mangyayari kay Dugong kaya hindi pwedeng pabayaan ni Dugong si Marina.
Sa bahay nila Victoria, hinahanap ni Luna ang nanay nya pero hindi nya ito nakita. Luamabs si Luna at nakita si Azon at tinanong kung nakita nito ang nanay nya. Sinabi naman ni Azon na wala na silang pakialam kay Victoria dahil manloloko ito at walang ginawang mabuti para sa bayan nila. Ipinagtanggol naman ni Luna ang nanay nya pero napagbintangan parin sya na gagya sa nanay nya.
Sa ilalim ng dagat, lumalangyo si Marina ng biglang sumulpot ang isang lamang dagat at sinabi na nasa tabi lang ang kanyang tunay na pag-ibig. Sinabi naman ni Marina na magaantay sya o hahanapin nya ang Tunay na pagibig dahil sa kagustuhang magkarooon ng paa habang buhay. Binalaan naman sya ng lamang dagat na magingat dahil makakaharap nya si Dugong sa paghahanap nya sa TUnay na Pag-ibig nya.
Sa kweba ni Dugong, sinusuyo ni Dugong si Victoria dahil nga sa nangyari, sinabi ni Dugong na magpinsan naman sila kaya kalimutan na nila ang nangyri. Humiling naman si Victoria na tulungan sya ni Dugong para makabalik sa lupa pero humingi ng kundisyon si Dugong na magdahan dahan sa paggamit ng kapangyrihan nya para naman nde na maulit ang nagyri sa kanila. Bumalik nanman sa lupa si Victoria at nagbanta na babalikan si Marina, Dugong at ang taong bayan.
|
|
|
Post by admin on Apr 13, 2004 21:31:26 GMT 8
grabe .. nakakatawa si dugong sumasayaw ng Pamela Wan!! ;D
cute cute ni claudine nung binablack mail na naman niya si dugong na magpapakamatay na lang daw siya pag di nagkaron ng mga paa .. haha, parang bata ang look ng lola! hehe ;D
|
|
|
Post by admin on Apr 13, 2004 21:41:02 GMT 8
grabe, what a great cliffhanger na naman for tonight .. war of the ocean on land naman haha! kawawang marina .. natutulog na nga ng may buntot, nakaupo, sa banyo pa .. hay .. wawa tlaga
|
|
gracielle
New Claudine Fan
**charing**
Posts: 60
|
Post by gracielle on Apr 15, 2004 9:00:32 GMT 8
April 13 ,2004 Episode GuideNagulat si Dugong ng bigang nakit anya si Marina sa kaharian nya. Alam na kaagad ni Dugong na hihiling gn paa si Marina kaya sinabihan na kagaad nya na hindi nya mabibigyan ng paa si Mariona sa pangalawang pagkakataon. Dahil mautak si Marina, nagdrama ang sirena na kugn nde na rin lang sya makakalakad ay mabuti pang mawala nalang sya s amundoa t magpapakamatay nalang sya. Na alarma naman si Dugong nang marinig ito dahil sa nakakabit ang buhay nya sa kwintas na binayad ni Marina sa kanya at sa buhay ni Marina. Pumayag na si Dugong na bigyan ulet ng paa si Marina pero binalaan ito na kailangang magign handa sya na madalas na magkaroon ng buntot at hindi na ito katuald ng dati. Nag agree naman si Marina kaya ginawa na nila ang proseso. Sa tabing dagat, naabutan ni Sheila si Rafael na nagiisa. Nagmumuni muni at parang may iniisip. SInabi ni Rafael na may naiisip lang daw sya. Niloko naman ni Sheila na tungkool bas a pag ibig. Dineretcho naman ni rafael si Sheila na naging kasintahan nya dati ay isang sirena. Sinabi pa ni Rafael na nanay ng kanyang kasinahan ang humadlang sa pagiibigan nilaa t pumatay sa mga magulang nya. Natulala namans i Sheila at naitanong kung ano ang pangalan ng kanyang dating kasintahan. Sinabi ni Rafael na ang pangalan ay Dugyot at kasabay nito ay sinabi ni Sheila na masama ang pakiramdam nya at papasok muna sya!(si Sheila si Dugyot!) Sa bahay nila Lorelie, napguunta ang gma taong bayan at sinabing hindi n aisla naniniwala kay Victoria at simula ngayon ay maniniwal ana sila kay Lorelie. Habang nagkwekwentuhana ng mga amgkakaibigan, dumaitng si Luna at may dalang pagkain. Nakita ni Luna at narinig lahat ng pinaguuspaan nilaa tparang naawa sa kanayng ina. Sa Kweba nila Dugong, sumasayaw si Dugong ng Pamela 1 igalaw ang katawan at masayang masaya(may sarili syang version mas mabilis ang beat nyahaha!). DUmating si Pealry shells at sinabing nasa mood ang kanyang amo. Masayang masaya din si Pearly shells ng sinabi ni Dugong na maghanda sya at mamamsyal sila. Akala ni Pearly shells mamasyal sila sa kung san san pero pinabuhat ni Dugong ang bato kay Pearly shells dahil pupuntahan nila si Dugyot. GUYS: kung may nakalimutan ako pakidagdagan naalng. SORRY talaga nde na mauulit namiss ko kase ang episode nito kagabi kaya sa replay ko pinanood e nagbibihis ako for skul nun kaya ayun nde ko masydong nasubaybayan. Today’s eppy guide will be posted later na gagawin ko muna!Thanks!
|
|
gracielle
New Claudine Fan
**charing**
Posts: 60
|
Post by gracielle on Apr 17, 2004 9:48:33 GMT 8
Episode 015:April 16,2004Kausap ni Marina si Neptuna at tinanong kung paano maiibalik ng mga sirena ang mga buntot nila. Sinabi ni neptuna na tanging puso lamang ni Istah ang tatanggapin ni Dugong para ibalik ang mga buntot ng mga sirena. Sa kaharian ng gma sirena, sinabi ni marina ang sinabi ni Neptuna sa kanya. Nagualt ang gma iabgn sirena ng binaggit ni Marina na kailangan ang puso ni Istah para maibalik ang mga buntot nila!Sinabi ng mga sirena na ayaw nila at ayaw nilang mawala si Istah. Sinabi naman ni Istah na hindi naman daw sya mawawala at istura lang nya ang magbabago. Ipinagbilin ni Istah ang mga sirena kay Viksha pero sinabi ni Viksha na parang nde pa nya kayang gawin iyun. Sinabi ni Marina na hahanap sya ng ibang paraan pero sinabi ni Istah na okay lang sa kanya iyun. Umiiyak ang gma sirena habang kinukuha ni Istah ang puso nya.] Sa bahay nila Esther, nagaala si Esther kila Marina at sa ibang mga sirena at baka daw magkaharap sila nila Dugong. Sinabi naman ni Sheila na okay lang iyun at magbabalik sa kanila si Marina. Sa kweba ni Dugong, nagputna si Marina at tiantanogn nga din nya kung ano ang kailangna para maibaliok ang mga buntot nila. Sinabi din ni Dugong na Puso ni Istah ang kailangan.Sinabi naman ni Marina na hindi makatarungan ang ginawa nya sa mga sirena at kapag nde nya binalik ang mga buntot nila ay magpaapkamtay sya. Sinabi naman ni Dugong na bulok na ng style ni Marina at mamatay narin naman daw sya sa 21st bday nya. May sakti parin si Randolph at binisita sya ni Luna. SInabi ni Luna na pasensya na siya dahil sya ang naibigan nyang mahalin,.Dala naman ni Luna ang gamot para gumalign si Randolph pero ang gamto ay mukang galing sa nanay nya. Sa kaharian ni Dugong, dinala ni Marina ang puso ni IStah pero sinabi nya na kailangang mangako muna si Dugong. Nangako naman si Dugong at sinabing hindi na rin sya tatapak sa Dagat landya. Tinawag naman ni Dugong si Pearly at kinuha ang puso. Sa Dagat Landya, nagpaalam na si Marina sa mga sirena at nagkabuntot na rina ng mga sirena. Sinab inila na hindi na nila lam kugn papano pasalamtan si Marina pero nalulungkot din sila sa pagkawala ni Istah. Sinabi ni Marina na parang ang hirap tanggaping ng pasasalamat nila dahil nga nawala si Istah. Umalis na si Marina at nagbye na sila sa isa’t isa. Sa bahay ni Lorelie, tumatakas si Pagibig dahil pero nahuli sya ni Lorelie. Pinapahanap nya ang shokoy sa ga kupare nya adahil ito dawa ng tunay na pa gibig na magaalis ng usmpa. Sa kweba ni Dugong, sinabi ni Dugong na may surprise daw sya kay Pearly shells ang surprise pala nya ay isa ng dikya. At ang pangalan ng diyang ito ay si Alice Dikya. Nagsalita ang Dikya at sinabing ang pangit ni Pearly Shells!(ehhehehe si Tuesday yata yun eh!) Kausap ni Rafael ang isa nyang kaibgan sa phone. Sinabi nito na nasa paligid lang sya at baka magkita pa sila. Pinakita ang kaibigan nitona nagpapainting at isang sirena ang pinapaint nya. Nakabalik na si Marina sa bahay nila Esther pero masama nga ang naibalita nya kila Eshter at Pilar at Sheila. Naibalita din nya na kinuha ang puso ni Istha kaya ayun nagkaroon na ng buntot ang mga sirena.
|
|
|
Post by admin on Apr 17, 2004 17:44:02 GMT 8
gracielle kapatid .. yung epi guides po for april 14 and 15? thanks ulit!
|
|
gracielle
New Claudine Fan
**charing**
Posts: 60
|
Post by gracielle on Apr 28, 2004 5:48:22 GMT 8
Pasensya mga Pag-IBIG..Malapit na irn akong magbalik sa trabaho konting panahon nalang bc kase eh!Salamat po! Ate Jenn sorry talaga!
|
|
|
Post by jareenette on May 7, 2004 1:26:10 GMT 8
la na bang update sa episode.... na miss ko kasi yung kahapon na episode eh... pls.... update me 5/05 epi... tnx
|
|
|
Post by admin on May 21, 2004 11:29:17 GMT 8
here's an update from pex .. posted by Rhedge (thanks rhedge! hope you dont mind, para mas marami makabasa .. natatabunan kasi ng new pages sa pex eh ..)
Natupad ang hiling ni Dugyot na pagalingin si Elias, pero may isang kapalit na bantayan nya si Marina sa kapahamakan. Pinasuot si Elias ng Kwentas na may bato ni Dugong. Gusto ni Marina na isunod naman si Lorelei, pero takot na takot si Lorelei at nagtaka si Lorelei sa kanila na di ba raw sya matino. Satisfied lang sya sa kagandahan nya.
Nagpaalam na si Dugong, at umuwi sa kanilang kaharian. Nangangati si Dugong dahil nakagawa sya ng kabutihan. Sabi naman ni Pearly na sanayan lang daw.
Tuwang tuwa naman ang mga sirena na nagpakabait na si Dugong. Ibinalita ni Isabel na may bf na sya , si Carlitos. Sabi din ni Dugyot, naranasan din nyang umibig.
Sa kabilang dako naman, nahanap na ni tandang ella ang mag -inang si Luna at victoria sa magic nyang kawali. Kinausap nya ang itim na pusa, nagsasalita rin ang itim na pusa at may balak syang gawin sa mag-ina.
Nagkasiyahan ang buong pamilya ni Marina, habang si Lorelie naman ay nalulungkot.
|
|
|
Post by admin on May 21, 2004 11:31:01 GMT 8
from Rhedge ulit of pex :
May 19, 2004 Wednesday Episode
Pumunta agad si Elias kay Victoria para tapusin na ang lahat. Humingi sya ng kapatawaran. Nakita ni Elias si Luna. Sabi ni Luna na kalimutan na sila dahil di naman sila ang kapamilya ni Elias.
Sumugod sina Dugyot at Isabel sa kaharian ni dugong at humiling na bigyan na lang ng mga paa si Isabel. Sabi naman ni Dugong na abuso na sila. Nagpumilit si Dugyot sa kanyang inay. Nangangati na naman si Dugong.
Pinamalita nina dugyot kay Marina na makauwi na si Isabel. Tuwang tuwa naman si Marina. Sinabi ni Dugyot na di muna sya makakauwi hanggat makasiguro sya na tuluyang nagpakabait na si Dugong.
Samantalang si Lorelei naman ay lungkot na lungkot. Miss na kase nya ang kanyang Pag-ibig. Naalala raw nya ang kumot pero di nya naaalaala.
Sa bahay naman nina Luna, nagpumilit na si Rodge na magpakasal na sila ni Luna. Nagulat si Luna, na baka raw magiging sirena na sya at magpakasal na sila.
Nagpapaalam na si Isabel sa kanyang mga kapwa sirena at excited na syang makauwi at makapiling si Carlitos. Nagpromise si Isabel na magpakabait na sya.
Nakita ni Victoria na may pusang itim na kumakain sa hapag kainan nila. Nagulat sila Luna at Victoria na nagsasalita ang pusa.
Nagpakita si Dugong kay Victoria at sinabi ni Dugong na nagtatampo na raw eto at bakit di na raw sya kinausap. Sabi naman ni Victoria na praning si Dugong. Pinabulaanan ni Dugong na mas makapangyarihan pa rin si Dugong kaysa kay Luna. Habang sa kanilang pag uusap ay napikon si Dugong at pinaulanan si Victoria na malakas. Dumating si Luna para tulungan ang kanyang nanay at nag papaapoy naman si Luna. Di natibag si Dugong sa apoy ni Luna at sinayawan lang nya eto.
Hinatid ni dugyot si Isabel pauwi at sinalubong sya. Kitang kita na masayang masaya si Carlitos na nagkapaa na si Isabel. Tuwang tuwa rin si Marina. Kitang kita sa mga mata ni Marina na nagtitinginan si Rafael at si Dugyot.
|
|
|
Post by admin on May 21, 2004 11:33:34 GMT 8
Nalungkot na si Marina kase may taning na ang kanyang buhay. Bawat minuto , oras ay mahalaga sa kanya.
Sumugod si Dugyot sa kanyang inang si Dugong na tulungan si Marina. Pwede raw mabali ang sumpa ni Marina. Binigyan ng options si Marina kung saan sya mamili:
1. Magiging Sirena sya habang buhay o 2. Magiging Tao sya pero malapit na syang mamatay
Samantalang abala naman si Luna kay Rodge. Tinanong nya si Victoria kung ano ang dapat nyang gawin. Kausapin daw eto pero lagi namang tulog si Rodge. Nagsuggest si Luna na manghingi na lang sya ng tulong kay Tandang Ella pero sabi naman ni Victoria na malabong mangyari dahil sa tinding galit ni Tandang Ella sa kanilang pamilya.
Handang handa na si Tandang Ella sa pagbisita sa mag ina kasama ang itim na pusa at may dala syang sorpresa.
- Rhedge (from PEX)
|
|
|
Post by admin on May 23, 2004 2:49:45 GMT 8
Sa pagbibisita ni Tandang Ella, nagmamakaawa si Victoria na patawarin na sila. Hindi natinag si Tandang Ella hanggat maituro nya ang kanyang anak na si Dugong. Dumating si Luna at ang tapang tapang nya kay Tandang Ella. Sa kapangyarihan ni Tandang Ella, pinalubog si Luna sa lupa. Walang magawa si Luna sa kanyang power. At binigay na ni Tandang Ella ang kanyang magandang sorpresa para kay Victoria at sya ay nagiging Iguana. Mawawala ang sumpa ni Victoria hanggat maituro nya kung nasaan si Dugong ang kanyang magandang anak.
Sa pag-uusap nila ni Tandang Ella at Aserod (black cat) sabi nya na matindi ang kanyang kapangyarihan hanggat saan sila magtago except kung magtago sila sa pusod ng dagat.
Nagpapatulong si Victoria kay Dugong. Gustong makita ni Dugong kung sino ang gumawa sa kanya at sasabitan nya ng medalya.
Pinaglaruan si Victoriang iguana ng mga bata at hinahabol sya at napadpad sya sa bahay ni Lorelei. Nakita ni Lorelei ang mga bata at pinapauwi nya eto. Nagtataka si Lorelei kung ano ang hinahanap ng mga bata at nakita nya ang isang Iguana. Naamoy ni Lorelei ang baho ni Victoria at tuwang tuwa sya.
Sa kabilang dako naman, malungkot si Isabel dahil aalis patungong manila si Carlitos, pero sabi naman ni Carlitos na sandaling sandali lang sya at pinangako nya sya ay babalik kaagad.
Nagdala ng mga pagkain si Esther at binigay kay Elias para kay Lorelei. Sabi naman ni Elias na wala syang matatandaan.
Pinuntahan ni Elias si Lorelei at naibsan ang kalungkutan ni Lorelei dahil nakita nya ang kanyang pag - ibig. Pinapikit ang mga mata ni Elias at meron daw syang ibibigay na sorpresa. Si Victoriang iguana at pagkakataon na nilang maghihiganti.
Sa dagatlandia naman ay binabalik na ni Marina ang mahiwagang batong crystal sa shell at nagiging batang sirena.
- Rhedge (from PEX)
|
|