|
Post by petmama on May 24, 2004 3:11:46 GMT 8
dios mio, si Istah buhay uli in the person of child Marina? hmm...very interesting twist of the story.....i have all kinds of scenarios brewing in my head already.....maybe then Marina will get another leading man since she won't be dependent on Rog anymore as tunay na pagibig.....hoooray.....hiling ko lang bigyan siya ng mas good looking leading man.
|
|
|
Post by admin on Jun 22, 2004 23:30:54 GMT 8
- dumating na sa carnival sila marina, manding, victoria, luna kasama si mang ferdie - hinanap ni esther kung saan saan si marina - nahuli si ninja - ang prinsipe ng mga pawikan at dinala rin sa carnival - humingi ng tulong si dugong kay istah kung pano gamitin ang batong samared (kabaliktaran ng deramas to ah!) .. umayaw pa si lorelie kasi dapat daw si istah ang gumamit nun .. pero pumayag din si istah .. sabi ni istah, pag kabilugan ng buwan kung saan nagaagawan ng liwanag ang buwan at araw, ibabaon lang ang bato sa ulo at di na masusunog ng araw si dugong .. - naghahanap pa ng kakaiba ang mga taga-carnival .. sinuggest ni manding si dugong .. next target na siya! - di pa rin nakikita ni esther si marina - nagusap na si marina at si ninja .. sinabi ni marina na gusto na niyang umuwi .. sinabi din ni ninja na meron siyang kapangyarihan at tutulungan niya si marina dahil mabuti ang kanyang puso - sinabi na kay victoria ang planong hulihin si dugong .. nagustuhan nya ito! at siya daw ang manager ni dugong .. mukha na talagang pera si victoria! - si dugong nagpaplano na nang paghihiganti kay victoria
|
|
|
Post by admin on Jun 22, 2004 23:48:23 GMT 8
- naguusap na si marina at si ninja sa kanilang pagtakas .. tatakas daw sila bago magbukas ang karnabal - si victoria pinaplano na rin ang pagtugis kay dugong .. tingin nya ay magiging madali ito dahil wala na itong kapangyarihan sa araw dahil nasa kanya na ang kwintas ni istah .. di niya alam na wala dun ang batong saramed - si luna nakita na si roj the cat .. - si istah binalaan si dugong na magingat sapagkat may masamang binabalak sa kanya ni victoria .. sabi ni dugong mula pa noon masama na ang balak sa kanya na victoria .. binalewala ni dugong ang babala ni istah - sinabihan ni pearly na plastic si dugong dahil nagpapanggap itong kaibigan ni istah - naging tao na ulit si roj .. nagalit kay luna .. pero sinabihan nito na kahit anong gawin nito ay babalik at babalik din ito kay luna - nagusap si shiela at si rafael .. they missed each other .. pero si marina pa rin ang nasa isip ni shiela .. selos ang rafael haha! pero sinabi na ni shiela na pakakasalan niya si rafael - dumating si isabel at si carlitos .. sinabihan nila si shiela at rafael na baka dinala si marina sa manila .. sa perya o karnabal (bright mind!!!) - kinakusap ni victoria si marina .. malapit na daw itong magkaron ng kasama .. shempre nagtaray din ang marina .. sinabing hindi ito magtatagumpay .. shempre inasar din siya ni victoria na hindi naman kayang lumaban ni marina - hihingi ng paa si shiela kay dugong at plano nitong pumunta sa manila .. sa karnabal .. tutulong din si rafael - malapit ng magamit ni dugong ang batong samared - ang sweet ni carlitos at isabel .. uuyy! - kinakabahan si vixia .. iniisip niya si dugong .. baka ito mag-traydor sa kanila .. pero naniniwala si kiana at istah na tutupad sa pangako tong si dugong na si victoria ang kakalabanin - nagusap ulit si ninja at marina .. gusto na kasing makawala ni marina sa kapangyarihan ni victoria .. sinabihan siya ni ninja na wag magalala at makakatakas din sila - umuwi na si roj sa kanilang bahay .. di niya maexplain ang mga nangyayari sa kanya kung bakit bigla na lang siyang nagigising sa tabi ni luna .. habang kausap ang tatay niya, bigla siyang naging pusa! inatake sa puso ang tatay niya! - kinausap ng kapangyarihang aram si victoria .. sinabihang pagmasdan ang pangitain ni dugong .. nakita na ni victoria na ang batong samared ay na kay dugong - tatakas na sana sila marina .. kaya daw syang buhatin nito kung maliit siya pero pag lumaki siya hindi na .. nung ginamitan nya na ng kapangyarihan para makalabas si marina sa garapon .. lumaki ito .. ay ang tuwa ni marina! ;D
abangan ulit bukas!
|
|
|
Post by admin on Jun 23, 2004 22:04:41 GMT 8
- naguusap si marina at si ninja .. sabi ni marina kung pwede bang bigyan na rin siya ng mga paa ni ninja .. ngunit yun na ang ginawa ni ninja pero lumaki lang siya at may buntot pa rin .. sabi ni ninja ito marahil ay dahil sa sinumpa siya - sinabihan ng aram si victoria kung papayag siyang matalo ni dugong .. lalong nagalit tuloy si victoria - nung tatawagin na ng katulong ang tatay ni rodge para maghapunan .. nakita nitong nakahandusay sa sahig .. tinawag niya si rodge pero di nya ito nakita .. ang pusang si rodge ay nakatago sa isa sa mga mesa .. - kinausap ni esther si elias .. nag-aalala ito kung nasa carnival na nga si marina at pinagtatawanan ng ibang tao .. - pinaplano na ni victoria ang paghuli kay dugong .. pinahahanda na ang kulungan kay manding pero gagamitin na lang daw ang kulungan ng mga dating unggoy na nasa carnival dati .. habang naguusap sila, pinakita ng aram ang pagtakas ni ninja at marina .. hinahanap nila ang dalawa gamit ang aram .. pero si ninja pala ay may kapangyarihan sa kanyang shell .. pinakuha ang isang shell kay marina at iwinagayway ito .. nagkaroon sila ng invisible shell (parang invisible cloak ni harry potter!!) di na tuloy sila nakita .. sinabihan ni ninja si marina na wag munang magsalita upang di tlaga sila makita .. - si raphael at shiela .. naglalambingan haha!! cute cute!! ayaw pang paalisin ni raphael si shiela pero kailangan na nitong umalis para makipagusap kay dugong upang bigyan ito ng mga paa para makasimula na sa paghahanap kay marina .. sinabihan nya si raphael na siya'y kanyang kanya na basta maibalik na muna niya si marina sa pamilya nito .. - kinausap ni dugong si istah tungkol sa paggamit nya ng kanyang batong samared .. binilinan ni istah si dugong na magingat sapagkat di pa rin ito nagtitiwala sa ibang tao .. pinasama ni istah ang mga sirena kay dugong .. sinabihan din na ingatan ang batong samared dahil ito na lang ang meron sila sa ngayon - umuwi na si rodge sa bahay nila bilang tao, pagdating nya nakita nya ang burol ng kanyang ama .. namatay ito ng atakihin sa puso (hala rodge! napatay mo tatay mo dahil sa pagiging pusa mo for no apparent reason!!) - nagkapaa na si shiela .. pupunta na sila ni raphael sa maynila para hanapin si marina .. kasama si carlitos .. nagbilin si esther para sa kanyang anak - nakita ni marina si rodge .. tinatawag nya ito .. naririnig siya ni rodge pero di sya nakikita dahil sa invisible shell nito .. sinabihan siya ni ninja na kahit gusto nyang magkita ang dalawa, hindi pa pwede dahil manganganib sila kung ganon .. walang nagawa si marina kundi sumunod .. - lulubog na ang araw .. gagamitin na ni dugong ang batong samared .. nandun ang mga sirena at si pearly para tulungan si dugong .. pero bago nya maibaon ang bato sa ulo nya .. hinuli siya nila manding .. nabitawan ang batong samared ..
|
|
|
Post by admin on Jun 25, 2004 22:34:39 GMT 8
posted by rjad70 @ pex : Marina>>>>Summary episode for June 24
Nahuli na si Dugong ni Manding at ng may ari ng karnabal bago pa nito magawa ang ritual ng batong samared. Wla namang nagawa si Pearly at ang Serena. Nahulog ang bato sa buhangin. Samantala pag-uwi ni Rodge nalaman niya na patay na ang tatay niya at umiyak siya ng labis ng tanungin niya ang katulong sinabi ng katulong na dapat siya nga ang tanungin niya dahil iniwan lang niya.
si Rodge at Papa niya at pagbalik niya ay patay na ang papa niya. Sinugod niya si Luna para tanungin ang nangyari at sinabi na ni Luna na nagiging pusa siya sa Gabi kaya di niya alam kung bakit ginawa yun ng batong aram kay Rodge.
Dahil naman sa talukap ng bahay ni Ninja ay naging invisible sila sa paningin ni Victoria kaya di sila maharap kahit ng batong aram. Pero dahil buntot parin ang paa ni Marina di naman sila makalayo ni Ninja. Nagkaron ng pagkakataon na nakita ni Marina si Rodge at tinawag niya ito pero di naman siya naririnig nito sinabi ni Ninja na magiging delikado kung pipilitin ni Marina na makita sila ni Rodge hanggang tuluyan na namang naging pusa si Rodge na nakita ni Marina.
Nagkaharap naman si Dugong at Victoria at nagalit si Dugong na malamang si Victoria ang may pakana sa pagkakahuli sa kanya. Nagulat di si Dugong na makita dun si Pearly at tuwang tuwa siya na may makakapagligtas sa kanya pero kailangan niyang kumuha ng tiyempo.
Sa paghahanap ni Shiela kay Marina nakita niya ang banner na marina sa isang karnabal kaya naman hinanap niya si marina ng makita niya sa isang tent ay di si Marina kundi si Dugong..........
Abangan ang pagkikita ng mag-ina mamayang gabi pagkatapos ng Victim Extreme.
|
|
|
Post by admin on Jun 25, 2004 23:08:32 GMT 8
posted by rjad70 @ pex :
- Tutulungan na sana si Dugong ni Shila inawat ito ni Rafael dahil dumating na si Victoria at si manding. - Samantala kailangan daw mahanap ng mga serena ang batong samared dahil yon na ang huling pag-asa ng mga sirena. - Samantala nag-aalala parin si Esther kaya kahit anong pilit ni Elias na magpahinga ito e hindi niya makumbinsi si Esther na pumasok sa kwarto. - Nagkita narin si Pearly at si Shila . - Nag tago rin si Ninja at si Marina sa isang tent kasi nahihirapan silang makipag sabayan sa mga taong nagpupunta sa carnival at baka masagasaan pa sila ng mga ito. - Pinipilit naman ni Victoria na sumayaw si Dugong pero di ito pumayag kaya minabuti ni Victoria na ipakuha ang batong aram pero pinigil si Victoria ng may ari ng Karnabal dahil baka hindi nila mapakinabangan si Dugong. - Pinipilit naman ni Esther na siya na lang ang maghahanap sa anak dahil sa hindi ito nakita nila Shila pero sinabi rin nila shila na nakita na nila si Victoria at si Dugong. - Nag-usap naman si Dugong at si Pearly tungkol sa pagkikita nila ni Shila at ang gagawing pagliligtas nila kay Dugong. At sinabi ni Dugong na kailangan niyang makuha ang batong samared para magawa niya ang una niyang plano sa paghaharap nila ni Victoria. - Hawak namang muli ni Luna si Rodge bilang pusa. - Nag-iinom si Manding at ang may ari ng karnabal pero ayaw uminom ni manding ng sobra kaya naman si Fred e sinulsulan si Manding para wag masyadong apihin ang sarili sa puder ni Victoria. Sinabi pa ni Fred na dapat siya naman ang humawak sa batong aram para siya naman ang magkaron ng kapangyarihan. - Nag-uusap naman si Istah at si Lorelie ng iba pang paraan upang makuha ang kwintas ni Istah kay Victoria. - Hindi naman tumigil si Marina sa pag-iyak dahil sa pagkalumbay sa kanyang mga magulang at tinulungan ni Ninja si Marina upang muling makita ang mga magulang nito at makausap sa pamamagitan ng kanyang talukap (shell). - Natagpuan narin ng mga sirena ang batong samared. - Kumuha ng isang part ng shell si Marina at dun kinausap niya ang kanyang ina na nakita naman siya sa salamin. - Abangan ang mangyayari sa pag-uusap ng mag-ina sa lunes pagkatapos ng Victim Extreme.
rjad@reports kapamilya_abscbn@yahoo.com
|
|
|
Post by petmama on Jun 26, 2004 1:59:06 GMT 8
grabe, exciting na talaga ang story....thanks for the update Jen.
|
|
|
Post by admin on Jun 26, 2004 11:50:16 GMT 8
grabe, exciting na talaga ang story....thanks for the update Jen. those came from my ate rita sa kyg ;D kuha sana ko screenshots kagabi, tinamad ako haha ;D
|
|
gorgeous
Semi-Devoted Claudine Fan
bonjour! 'jadore ma life' mabuhay.
Posts: 277
|
Post by gorgeous on Jun 29, 2004 23:11:21 GMT 8
wow, ang ganda ng episode today grabe. pero nakakaawa si shiela, kase imagine un mga mata nya un kailangan.
|
|
|
Post by admin on Jun 30, 2004 0:09:44 GMT 8
wow, ang ganda ng episode today grabe. pero nakakaawa si shiela, kase imagine un mga mata nya un kailangan. oo nga kawawang shiela .. alam nyo minsan kakainis ang katigasan ng ulo ni marina .. like nung pinatatahimik muna siya ni ninja dahil naririnig sila ng aram at mahuhuli sila .. nagpipilit pa rin! haha! ang dami ng kapangyarihan at kung ano anong bato dito .. yung bago ano yun .. kapangyarihan ng itakyani? at batong oisnok o oicnoc (parang kabaligtaran ng CONCIO - naku dapat mas powerful yan sa bagtong samared - DERAMAS)!! ;D
|
|
|
Post by petmama on Jun 30, 2004 0:38:03 GMT 8
Hi guys - so I was watching my tape last nite but to my surprise I was watching SWNW. Nilipat ang time slot ng Marina?
|
|
|
Post by admin on Jun 30, 2004 0:44:56 GMT 8
from rjad70 @ pex :
- Nagpakita si Rodge kay Luna upang hilingin dito na tanggalin ang sumpa kay Marina kapalit ang pagbibigay niya ng pagkakataon upang mahalin nito ang dalaga. - Nag-usap usap ang mga sirena at nalaman nila na ang tanging paraan para dumami ang samared ay ang paggamit sa batong malong na nasa mata ni Shila at ang pagkuha nito ay ang pagkabulag nito. - Pinipilit ni Victoria na magsayaw si Dugong sa perya at pinagtawanan lang siya ni Pearly at Dugong dahil sinabi nilang di na nila makikita si Marina. - Samantala sa pagmamahal ni Luna kay rodge kinuha nito ang aram ng hindi namamalayan ni Victoria. - Tinanong ni Luna kung pano maaalis ang sumpa ni Marina at ni rodge pero ng ipakita ng aram ang paraan di iyon naintindihan ni Luna. sinabi ng aram na hindi pa niya panahon. - nagkukulitan naman si Pearly at si Dugong dahil sa pagkaka trap ni Pearly sa padlock e nag aasaran ang dalawa dahil hindi sila nakatakas agad at nahuli sila ni Victoria agad. Nagsisisi si Pearly na tinulungan pa niya si Dugong kaya naman ng makita ni Dugong yon nag sorry siya agad kay Pearly at sinabi niyang gusto lang niyang makatakas agad kaya niya nasabi yon. - Nag-usap si Elias at si Rafael. Sinisisi ni Elias ang sarili dahil hindi niya matulungan ang anak sa sinapit nito. Pero sinabi ni Rafael na di naman totoo yon dahil sinusuportahan parin niya ang anak niya. - Nagpakita si Lorelie sa dagat at tinawag niya si Shila upang ipaliwanag ang magagawa niya upang dumami ang samared ay kakailangananin ang batong malong or malou at yon ay mangangahulugan ng pagkabulag ni Shila. - Nagharap muli si Rodge at si Luna at sinabi na ni Luna na nasa kanya na ang batong aram at babalik na si Marina sa dati at igigive up na niya ang kanyang kapangyarihan para kay Rodge. - Binigyan ni victoria ng pagkain si Pearly at si Dugong at sinabi nitong kumain na sila pero matigas si Dugong at di kumain ito pero sinabi ni victoria na susuko rin ito. - Kinausap ni Prinsipe Ninja si Marina na dapat magpalakas ito ng may biglang isang pagong ang lumapit at nagsalita sinabi nitong sasabihin sa mahal na hari nila ang nangyari sa knila. Natuwa naman si Marina at ninja sa nangyari. - Muling nag-usap ang mga sirena at pinag-usapan ang magiging desisyon ni Shila tungkol sa mata nito na nagtataglay ng batong malong/malou na kung ano man ang magiging pasya nito ay dapat nilang igalang. - Kinausap ni Shila si Esther at sinabi nito ang magiging panlaban sa batong aram at ng sinabi niya na ang paningin niya ang magiging susi upang malabanan ang kasamaan at willing siyang ibigay ito. Pero nag alala si Esther sa maaaring mangyayari. - Itinago ni Luna ang aram sa ilalim ng unan niya at pinilit naman itong hanapin ni Rodge at ng makita niya ito ay kinuha niya ito. - Anong mangyayari kung makukuha na nila Istah ang kapangyarihang tatapat sa aram? _ Abangan bukas pagkatapos ng Victim Extreme!!!!!
rjad@reports kapamilya_abscbn@yahoogroups.com
|
|
|
Post by petmama on Jun 30, 2004 4:04:06 GMT 8
thanks Jen for posting yesterday's epi.....i have to check TFC's schedule pa.
|
|
gorgeous
Semi-Devoted Claudine Fan
bonjour! 'jadore ma life' mabuhay.
Posts: 277
|
Post by gorgeous on Jun 30, 2004 4:35:05 GMT 8
nilipat ba?
|
|
|
Post by admin on Jun 30, 2004 15:47:40 GMT 8
di naman nagchange ang schedule dito sa pinas .. but check your region's schedules para sigurado din! ;D
|
|